MAGKASAMANG nag-agahan ang dalawa sa bahay nila Kira. Nasa labas na kasi si Wena at Marco. May personal na lakad si Wena tungkol sa kaso ng asawa nito at si Marco naman ay may pasok sa university. "Anyway, darling. Hindi ka ba papasok ngayon?" tanong ni Raven dito habang magkaharap silang kumakain. Napapilig pa ng ulo ang dalaga. Napaisip kung saan siya papasok. "I'm sorry? Saan ako papasok?" naguguluhang tanong nito. Bahagya namang nagsalubong ang mga kilay ni Raven na nakamata dito. Sa nakikita kasi nito ay tila nalilito si Kira sa binanggit niya. "Where else? Sa university niyo. Bakit, wala ka bang pasok ngayon, darling?" tanong ni Raven dito. "Ah!" napasinghap ito na maalalang nag-aaral pa pala si Kira! Pilit itong ngumiti na umaktong normal lalo na't kita nitong tila nagdu

