Lyneth
I had a good time mingling with Sixth's friends. Although we had to be extra careful with everything we were saying earlier, Sixth made sure I was comfortable.
"Napakaswerte mo, Lyneth. Napakamaalaga ng asawa mo," kumento ng matandang babae.
I smiled. This time, in a carefree way. "He supports my hobby po. He often buys me books. Doon pa lang ay swerte na ako."
"Totoo ba iyon, Sixth?" tanong ng babae sa aking asawa.
Sixth shyly smiled as he nodded. "I uh, don't want her to get bored at home so I buy her books."
Napatitig ako sa nakangiti kong asawa. Somehow, I felt like Sixth is beginning to be the husband I dreamed of. Kahit parang imposible ay may munting bahagi ng aking puso na umasang darating din kami sa punto na magkakapalagayan kami ng loob, mapapatawad niya ang daddy ko, at matututunan naming seryosohin ang aming kasal.
But my hopes came crashing down the moment Sixth and I got into his car. Nang wala nang taong nakikinig pa sa amin o mga matang nag-oobserba, napansin kong lumamig ang ekspresyong nakapinta sa mukha ng asawa ko.
"You know everything I said earlier was just for a show, right?" he asked. "Especially about the uhm, about having lots of kids?"
Para akong sinaksak ng punyal sa dibdib. Oo nga pala. We only got married because he needed my help and I had to save my dad from his wrath. Bakit ko nga ba binigyan ng kahulugan ang lahat ng kanyang sinabi at ipinakita kanina?
Nalunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan. "O-Of course."
Sixth swallowed as he looked away. Kung dahil ba napansin niya ang naging reaksyon ko sa kanyang tanong o sadyang hindi lamang siya kumportableng klaruhin pa ang ganoong bagay sa akin ay hindi ko na masabi dahil umiwas na rin ako ng tingin.
The entire car ride felt suffocating. Ni walang kumibo sa amin, at kahit noong nakarating na kami ng hotel room, wala pa ring bumasag sa aming katahimikan. It was as if Sixth suddenly bumped his head and realized he's being too close and friendly towards me. Siguro ay ayaw niya naman talaga iyong mangyari kasi ang pasakitin ang loob ng daddy ko ang dahilan bakit ako ang pinili niyang pakasalan.
Nagbihis ako nang masama ang loob dahil sa naging pag-uusap namin sa kotse. Nang matapos ay naabutan ko siyang nakasabunot ang isang kamay sa buhok habang ang isang kamay ay hawak ang kanyang cellphone. Nadama ko pa ang paglingon niya sa akin nang dumiretso ako sa kama at tumalikod. It was as if he wanted to tell me something, but ended up keeping his thoughts to himself because I didn't look interested to talk to him anymore.
Somehow, I wished he did. Kasi baka may gusto siyang linawin. Baka may mali akong interpretasyon sa naging usapan namin, ngunit tinikom na talaga niya ang bibig niya at inabala na lamang ang sarili sa kanyang laptop.
Niyakap ko ang extra'ng unan at pinilit na lamang matulog kahit ang bigat ng dibdib ko. Hindi ko rin naman maipaliwanag kung bakit ganito. Hindi ko naman siya mahal, 'di ba? Maybe I just love the idea of having the kind of marriage I dreamed before. That's all.
I sighed and just shut my eyes. Ito na ang sign para itigil ko na ang pagpapantasyang matutupad pa iyon. I am married to someone who is clearly not interested to build a happy marriage with me, at hindi ko na iyon mababago pa.
"Maaga akong aalis para sa meeting. Tumawag si Nick kanina. He's gonna come here to get the files I kept in the closet," balita sa akin ni Sixth nang sumapit ang umaga.
"Akala ko ba sa Manila na kayo magkikita?" I asked, trying to show him that what happened last night didn't affect me.
"Biglaan lang. He's needed tonight so he came back." Isinuot na nito ang jacket. "I have to go."
Tanging tango na lamang ang aking naging tugon. Hindi ko na rin siya pinanood nang magtungo siya sa pinto, ngunit sa gilid ng aking mata ay napansin ko ang pagtigil niya para titigan ako.
I pursed my lips when I felt his stares. It was as if Sixth wanted to go back and tell me something, yet in the end, all he did is sigh before he finally left our suite.
Napabuga ako ng hangin. Ano ba ang nangyayari? Hindi naman kami ganito dati, ah?
Ipinikit ko sandali ang aking mga mata saka ako nag-breathing exercise. Hindi maganda itong nangyayari sa akin. Huwag naman sanang sabihin ng aking puso na umaasa itong mamahalin ni Sixth kahit na masyadong obvious na hindi marunong magmahal ang asawa ko?
Asawa ko. I almost laughed. Siguro kailangan ko nang itigil ang pagtawag sa kanya nang ganoon sa aking isip. Sa papel lang naman niya ako asawa, kasi kung tunay niya akong kabiyak, hindi ganito ang sitwasyon namin.
I sighed and grabbed my self-help book. Lalabas sana ako sa veranda at doon magbabasa habang nagkakape dahil masarap ang malamig na simoy ng hangin na amoy pine trees kaya lang ay bago pa ako nakababa ng kama ay narinig ko na ang ilang sunod-sunod na katok.
"Nandiyan na!" sigaw ko nang muling kumatok ang taong nasa labas.
I walked faster. Nang maibukas ko ang pinto ay bumungad sa akin ang matamis na ngiti ng pinsan ni Sixth na si Nicanor. "Hey, gorgeous-gorgeous sister-in-law? Where's your f****d up husband in paper, hmm?"
"Kakaalis lang fifteen minutes ago, eh pero sabi niya kukunin mo raw ang files na iniwan niya sa closet?"
"Yeah pero. . . " Hinimas nito ang tiyan. "I'm hungry. Mamaya na ang mga 'yon. Nag-breakfast ka na ba?"
Umiling ako. "Hindi pa."
"Good. That means you can join me. Tara."
"Uhm, paalam muna ako kay Sixth kung pwede akong lumabas ng hotel room."
Ngumisi si Nic. "Of course, you can. Ako naman ang kasama mo."
Ngumuso ako. "Baka mamaya pati sa'yo magalit, eh. Alam mo naman 'yon."
"Nah, don't mind him. Besides, tinuturing ka bang asawa, hmm?"
Para akong sinampal ng katotohanan. "N-No."
"Oh, 'yon naman pala." He pinched the tip of my nose. "That means you don't have to worry about him getting jealous, right?"
Uminit ang pisngi ko at bahagyang umawang ang aking mga labi. "Magselos? Hindi naman. . . iyon magseselos."
Makahulugang ngumisi si Nicanor. "He better not. . . "