Ingat na ingat na binuhat ko si Loren at dahan dahan na inihiga sa kama.She is so fragile and so delicate with her bare face na tumuyo na lang ang mga luha nito. Gusto kong pawiin ang mga sakit at lungkot na dahilan ng kanyang pagtangis.Hindi ko makalimutan ang mga ngiti sa tuwing pinapaluguran siya at mga ungol niya sa tuwing pinapalasap ko sa kanya ang kaluwalhatian sa aming pagniniig. Gusto ko ako lang ang laman ng puso at isipan niya at walang ng iba pa siyang nanaisin at gugustuhin. Alam kong kasakiman ang hangarin ko sa kanya pero iyon lamang ang alam kong paraan upang hindi siya mawala sa akin, ayaw kong matulad ni bunso, naiwan ng minamahal at tuluyang nabaliw dahil sa pag-ibig na naggawa nitong kitilin ang sariling buhay. Hindi ako tiyak sa aking nararamdaman kay Loren, ang gu

