Biglang tumigil ang musika sa ere.Biglang dumilim ang palibot.Katahimikan ang bumalot sa pagitan namin ni Lance. Tanging ang paregodon ng puso ko ang aking maririnig. Maya maya ay may mga matitipunong kamay ang humawak sa aking beywang na nakapakislot sa akin. "Hey, relax woman, it's just me, stay still and hold me," baritonong boses ni Lance. Hindi ko alam kung saan parte ko siya hahawakan, hindi niya naman sinabi.Bilang guro sanay akong magbigay ng kompletong direksyon sa aking mga estudyante upang makuha nila agad ang dapat gawin.Ang hirap naman kasi kung kulang ang impormasyon na ibibigay tulad ngayon.Haler, baka naman gusto niyang hawakan ko ang alaga niya.Haler, manang yata ito at virgin pa ang kamay ko! Nanatili lamang akong tood na nakatayo habang hawak hawak niya ang aking

