"Masarap ba, baby? nagustuhan mo ba ang luto ko?" malambing na tanong ni Irene kay Lance. "Ahmnn..hmmm... uhmnn... same as ever, Irene, wala pa ring kupas ang galing mo sa pagluluto," positibong komento ni Lance kay Irene habang takam na takam na nilantakan ang pagkain na sa kanyang plato. Napalunok naman ako sa palitan ng sweetness ng dalawa.Tila wala ako sa kanilang harapan at nakakayanan ni Lance na ganituhin ako.Kanina na lang ay buong puso namin pinagsaluhan ang init ng aming pag-ibig. Ngayon, tila nabura lang iyon kaagad sa isipan ni Lance ng makaharap ang tunay na minamahal.Gusto ko mang magwala at mageskandalo sa harapan ng dalawa. Nagmumukha tuloy akong tanga.Kahit pa man nag-uusap lang ang dalawa ay pakiramdam ko na harap harapan na akong pinagtataksilan ng lalakeng nangako s

