"Miss Loren, may delivery para sa inyo," masayang bungad ni Ditas sa kusina sa kanya. Kasalukuyan siyang nagkakape kasama sila Ante Pilar at Manong Konz at napasarap ang kanilang chikahan na tanging halakhakan nila ang tanging maririnig sa buong kusina. "Ah, sino kaya naman kaya magpapadala ng delivery dito sa akin?" maang kung tanong. "Oi,Miss Loren, may secret admirer daw siya, sana all," tudyo pa ng isang housemaid. "Heh!eh, hindi naman siguro baka parcel delivery lang yarn at nagkamali lang ng padala dito," tanggi ko pa. "Sige na puntahan mo na sa labas ng gate,Miss Loren, kailangan kasi ng signature mo," sabi pa ni Ditas. Iniwan ko naman kaagad sila sa kusina na panay pa rin ang biruan.Pansin ko ganito sila kapag wala ang among lalake, kapag naman nandito iyon ay parang di numer

