Sumapit na lang ang maraming oras sa kahihintay ko ngunit walang Lance na dumating at bumisita sa akin sa loob ng hospital room. Tanging ang nars na naka-assigned sa akin ang pababalik balik sa aking silid upang emonitor ang aking vital signs at ang dextrose na nakakabit pa rin sa aking kamay. Paulit ulit naman akong nagtatanong kung nasaan na si Lance at paulit ulit din nitong sinasabi na hindi nito alam at hindi pa rin ito bumabalik sa ospital. Sa tuwing napag-iisa na lang ako sa silid ay tila tinatangay na naman ako ng antok.Kahit ilang araw na daw akong walang malay at nakapagpahinga ay tila pagod pa rin ang aking katawan. Sa tuwing susuriin ng nars ang aking suhero ay naggigising din agad ako, still hoping na si Lance na ang aking makikita pagbukas ng aking mga mata. Ngunit parat

