"Are you okay,Miss Loren," nag-alalang sabi ni Tim paglabas ko ng banyo sa kusina. Mabuti pa ang batang tutee hindi nakakaligtaan na kumustahin ako.Pero ang among lalake panay lang diskontento sa aking ginagawa para sa kanya. Hindi ko alam kung paano si Lance pasasayahin maliban sa pag-angkin nito sa akin na sigurado akong gustong-gusto nito ang buo kong katawan. Maliban sa libog sa kanya ni Lance ay wala ng nakikitang mabuti ito sa kanya. Kung sana ay may nararamdaman pa ito higit pa sa libog ng katawan sa kanya ay susunggaban niya ngunit hindi niya tiyak dahil sa pababago ng istilo at pakikitungo ni Lance sa kanya. Minsan parang bata kung hihingi sa kanya ng atensiyon, minsan naman mapagmataas kung makagpagsalita sa kanya, at higit sa lahat minamanipula lahat ng kilos niya dito sa mans

