SPG!!! Warning: Some scenes are not suitable for young readers, some vulgar words are used. Read at your own risk!!!! Naggising ako sa hindi pamilyar na silid.Kinurap kurap at hinilamos ko pa ang aking mga kamay sa aking mga mata upang alalahanin kong nasaan ba ako. Wala talaga akong maalala na puntahan ko na ang silid na ito o nangyari sa akin pagkatapos kung makainum ng gamot na ipinainum sa akin ni Lance. Hindi ko alam kung anong gamot iyon dahil basta ko na lang tinanggap sa kanya dahil hindi ko na makayanan ang nagliliyab niyang mga mata na malademonyong nakatitig sa akin. Kasalanan ko naman kung bakit ganun siya makatitig sa akin dahil ako naman ang naunang nagpakita ng matinding galit sa mga mata. Hindi ko mapigilang magalit sa kanya dahil sa malahayop at magaspang niyang pag

