"Miss Loren, are you okay? nag-alalang sabi ni Tim na pumasok sa villa kasama ang isang attendant na nakauniporme at may name plate sa kanang dibdib. Nakasuot ito ng white long sleeve at slacks na black.Nakapusod din ang itim nitong buhok.Mukhang magkapareho lang ang gulang nila ng attendant kung kaya't nakahanap agad siya ng kakaibiganin. "Ah,Tim,ikaw pala, yes, I am good," habang pasimple kong sinisipsip ang straw ng pineapple juice na sinirb sa akin ng isang waiter dito sa villa, dinalhan din ako ng clubhouse sandwich na paunti-unti kong tinikman. Hindi naman ako gutom dahil busog na busog pa rin ako sa late lunch ko kanina.Naaliw nalang akong pinamasdan ang malinaw at maasul na dagat sa labas ng malapad na glass wall na ngayon ay binuksan na mg attendant upang malaya kong masamyo an

