"Teacher Teacher open please," rinig kong sabi ng aking estudyante na si Keanne. Recess time at kakaupo ko lang sa aking teacher's table magmula ng halos dalawang oras na nakatayo sa pagtuturo sa aking unang baitang na mga mag-aaral. Nasa dalawangput lima lamang ang aking mga estudyante.Labing isa ang mga lalake at labing apat ang mga babae. Halos mga anak mayayaman ang mga ito at halos speaking english dahil may sariling mga tutors. Kaya't hindi masyado akong nahirapan sa pagtuturo ng pagbabasa sa kanila. Hindi katulad sa tipikal na pampublikong paaralan na halos singkwenta isang seksyon kaya't nagkasiksikan ang mga estudyante sa isang silid-aralan Bukod sa readers na ang aking mga estudyante ay may comprehension na silang bumasa. Kaya't suwerte talaga ako at hindi na ako nahirapan sa

