Warning: Rated SPG Some scenes are not suitable for young readers.Read at your own risk!!!! "Habulin mo ako, Mr. Del Mundo, kung kaya mo!" palatak ko kay Lance habang lakad takbo akong papalayo sa kanya. Pumihit ako paharap sa kanya ng pakiramdam ko na walang anino niya ang sumunod sa akin. Nakita ko siyang nakatayo lamang ng ilang metro mula sa aking kinaroroonan. Sumilay ang malapad na ngiti mula sa kanyang labi.Tila naman ako nahipnotismo sa kanyang karisma na napatulala at napatitig na lang sa kanya kung nasaan siyang presenteng nakatayo at malapad ang ngisi na nakatitig din sa akin. He exhibits an exquisite charm that anyone can see him ay siguradong mapanganga. He is just wearing a casual beach shorts and a white sando na hapit na hapit sa mamaskulado at matipuno nitong katawan

