Love Lesson No. 5- Love does not boast or not proud... It was night time already, madilim na sa labas, nakasindi na rin ang lahat ng mga ilaw sa loob ng mansiyon.Handa na rin ang hapag kainan para sa hapunan. Madaling nakapaghanda ng makakain ang mga housemaids pagkatapos makatikim ng mura at galit mula kay Lance. Kay bilis ng mga ito nakabalik sa kanya kanyang mga trabaho.Parang mga langgam sa bilis ng mga kilos paroot parito na walang tigil sa kakakilos. Nanatili lamang akong nakamasid sa mga housemaids sa kanilang mga trabaho.Hindi na ako umakyat sa taas ng floor upang kausapin si Tim.Hinayaan ko lang ang magtiyuhin kung magkakaroon ba ng pag-uusap sa pagitan nilang dalawa. Kung pareho nilang titikisin ang bawat isa ay talagang mananatiling ilap at estrangero ang turingan nila.Dapa

