Madali lang kaming nakarating sa mansyon. Agad akong pinagbuksan ni Mang Tonz ng pinto. Bumaba ako ng sasakyan. Sobra ang aking kasayahan ng makitang sinalubong ako ng mga house maids at ni Tim. May bitbit itong banner na may nakasulat na "Welcome back home Teacher Loren." "Hello Misss Loren, welcome back home, it's nice to see you again." Wika at salubong ni Tim sa akin. "Maligayang pagbabalik Miss Loren," sabaysabay na wika ng mga house maids sa aking harapan. Nagpakawala ako ng isang malapad na ngiti sa kanila bago na magsalita. "Thank you sa inyong lahat sa pagdarasal na gumaling na ako. Salamat talaga," padamdamin kong sabi "I have been so worried about you, Miss Loren, salamat naman na okay ka na po," seryosong sabi ni Tim pagkatapos ay lumapit sa aking tabi at niyakap ako ng

