"For you, hope you like it," malamyos nitong sabi na tila nahihiya. "Naku,Lance, tapos mo na nga akong nabayo at naangkin mahihiya ka pa," sabi ng maharot kong puso. "Sus, Loren, umayos ka, bulaklak lang yan, tandaan mo laro lang ito lahat, sakyan mo na lang pero huwag kang maiinlab," sabi naman ng utak kong maprinsipyo. "Ah....sir,thank you," sa huling sabi ko sabay amoy amoy ng rosas sa ilong ko. "Let's eat, glad you like it," nakatunghay sa akin na malapad ang ngiti sa labi. "Sana ganito ka na lang palaging nakangiti, hay, ang puso ko tiyak na hulog na hulog na, ngiti pa lang ulam na," sabi ng marupok kong puso. Titig na titig ako sa kanya habang nakatunghay ito sa mga pagkain na nasa food tray.Kumuha ito ng lumpia shanghai at isinubo sa akin. Kumuha rin ako ng isang lumpiang shan

