"Dahan-dahan naman sa pagsubo anak, baka ka mabulunan niyan," sabi ni itay na nag-alala para sa akin. "Uhmnn.. paano kasi ang sarap sarap pa rin kasi ng adobong manok mo nay, wala kang kapareha nay, you are the simply best cook ever, talagang na miss ko ang luto mo nay," mahaba kong sabi matapos kong malunok ang lahat ng laman ng aking punong-puno na bibig. Napaubo ako sa mahaba kong turan.Kaya't madali akong naabutan ng isang basong tubig ni Lance na tahimik lang na kumakain sa aking tabi. Kanina pa itong tahimik magmula ng dumating kami dito sa cottage.Sabay naman kaming dumating dalawa ngunit mahaba habang habulan pa ang ginawa nito upang maabutan ako. Hindi ko na lang pinansin ang biglang pagbago ng mood nito.Siguro ay galit ito sa akin dahil iniwan ko na lang ito ng basta basta.

