Lakad takbo ang ginawa ko upang tawirin ang pasilyo papunta sa elevator.Hapong-hapo ako ng makarating sa pinto ng elevator.Pipindutin ko na sana ang push button upang bumukas ang pinto ngunit narinig ko ang boses ni Lance na tinatawag ako. "Lab Loren, please don't go away pag-usapan natin ito," histerikal na sabi ni Lance mula sa aking likuran na ikinalingon ko. Humarap ako sa kanya at buong tapang na gumanti sa kanyang marubdob na pakiusap.Kung akala niya ay makukuha niya lang ako sa paiyak-iyak niya ay nagkakamali siya. "At ano pa ang pag-uusap natin, Lance? kitang-kita ng dalawang mata ko ang kababuyan mo at ng babae mo," singhal ko sa kanya na may diin kahit pa pumipiyok ang boses ko dahil sa labis na pag-iyak. "She is not my woman, for pete sake Loren pakinggan mo naman ako, just

