Lalaki Lang
"Seryoso ba ka ba d'yan, Av?" hindi makapaniwala na tanong ni Summer.
Tumango ako at inayos ang mga painting ko na ie-exhibit ko. This is my first exhibit kaya gusto ko sana maging maayos ito. Pinipili ko talaga ang magaganda kong artwork.
"Kapag nalaman ni Tita Arianne ito, lagot ka talaga!" frustrated na aniya as if siya ang malalagot.
Bahagya akong natawa habang inaayos parin ang mga ieehibit kong artwork bago nagsalita.
"Exactly. Ako ang malalagot pero kung makareact ka parang ikaw ang mapuputulan ng cards ah." napailing nalang ako.
Nasanay na ako sa ganoong punishment ni mommy. Everytime I disobeyed her and daddy, pinuputol niya ang cards ko at kinoconfiscate ang mga materials na pwede kong magamit sa pagpipinta. Ayun lang naman lagi ang dahilan ng hindi ko pagsunod sa mga gusto nila.
"Bahala ka talaga, Avril Chloe! 'Wag kang mangungutang sakin ah, wala akong pera. Hindi ako kasing yaman mo." umirap pa siya kaya natawa ako.
Summer is my bestfriend since high school. She came from a simple family in province. Nurse sa hospital namin ang tita niya at kinuha siya nito para pag-aralin dito sa Manila, later on, she's one of my family's scholar. Naging close kami dahil hindi naman ako palakaibigan but she approached me first.
Parehas kaming freshmen at BS Chemistry. She wanted to be a doctor but I ain't. Kinuha ko ang enveloped na nasa ibabaw ng study table ko at inabot sa kanya yun.
"Ano 'to?" tanong niya kahit puno pa ng grapes ang bibig niya.
Kinagat ko ang ibabang labi at umiwas ng tingin nang simulan na niyang buksan ang enveloped na binigay ko. Nasamid siya nang makita ang laman ng enveloped. Mabilis kong binigay sa kanya ang tubig na kasama sa hinandang pagkan para samin.
"Summer!"
Inubos niya ang laman ng baso bago nagsalita.
"Av! Kaya ba hindi ka sumabay sakin mag-enrol dahil dito? Nag-shift ka sa Fine Arts?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumango ako at umupo sa tabi niya sa kama ko.
"Alam mo naman na hindi ko gusto ang maging doctor, Calla." paliwanag ko.
My prof once said na hindi ang degree'ng natapos namin ang magdidikta ng kung ano kami sa future. We may graduate in medical school with high honor but end up working in a small hospital somewhere or we may just graduate without any goals but end up being succesful.
We can be someone we want to be. She maybe right but being for me, success is when we are happy. And I am not happy with the path I am walking at. I wonder if I will be successful someday.
"Pero alam mo naman ang consequnce ng desisyon mo na ito diba?" tinitigan niya ako, parang may hinahanap siyang emosyon sa mukha ko.
Ngumiti ako at tumango.
"I know kaya nga nagready na ako," nakita ko ang paglunot ng noo niya.
"What do you mean?" aniya.
Ngumiti ako sa kanya at akmang sasagot na ang biglang tumunog ang phone niya. Tinitigan lang niya ang screen niya.
"Hindi mo sasagutin?" tanong ko.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at hinaap ang phone niya para makita ko ang tumatawag. Unknown number.
"Sagutin mo na baka importante yan."
She don't usually answer unknown numbers kaya minsan may minsan may namimiss siyang group report dahil hindi iya sinasagot ang mga tawag ng groupmates niya kasi unknown daw.
Nag-isip muna siya bago tumango. Pinagpatuloy ko nalang ang pag-aayos sa mga ieexhibit ko. I'm planning to live on my own kaya kailangan kong kumita ng pera.
Yes, iyon ang plano ko. If moving out to my parent's house and living on my own is the only way to be free, the, I'll do that.
My grandma used to tell me that moving out in my comfort zone is the start of the world. It won't be the same anymore because I'll start to face the reality far from the four corners of my room where I can get anything I want.
"Alis muna ako. Nakalimutan kong nagpapasundo pala ngayon ang pinsan ko." sabi ni Calla habang inaayos ang mga gamit niyang nasa kama ko.
"Pinsan mo yung tumawag?" tanong ko.
Tumango siya at tuluyan nang humarap sakin.
"Gusto mo sumama?" tanong niya pero umiling lang ako. Marami pa akong dapat gawin.
Nang makaalis si Calla ay nagsimula na din akong ayusin ang mga gamit na plano kong dalhin. Bago magsimula ang klase next sem ay dapat nakaalis na ako dito dahil kapag nalaman na ng parents ko ang ginawa ko, for sure baka sila pa ang magpalayas sakin or worst, ikulong nila ako dito hanggat hindi ako bumalik sa course na sila naman talaga ang may gusto.
"Good morning, Sister Lyka!" bati ko sa kay Sister Lyka na nasa kabilang linya.
"Miss Avril. Magandang umaga din. Maayos na ang mga kailangan mo. Maraming salamat talaga dito, malaking tulong ito para sa mga bata." aniya na nakapagpangiti sakin.
Sa Home of the Angels ang magiging venue ng exhibit na gagawin ko at ang kalahati ng makukuha kong pera sa exhibit ay idodonate ko para sa mga batang may cancer. Ang kalahati naman ang gagamitin kong pera pansamantala habang hindi pa ako nakakahanap ng part time.
"Natutuwa akong makatulong, sister."
Pagkatapos ng tawag bumaba na ako sa dining area para sa dinner. Bukas ako pupunta sa Home of the Angel para bumisita at para na rin icheck ang venue. I'm excited and nervous at the same time.
Habang naglalakad papuntang dining area ay tinext ko si Calla. Gusto niya daw kasing sumama kug pupunta ako sa HOTA, mahilig din kasi sa bata yun at minsan pa ay siya ang nagchecheck up sa mga batang may sakit sa HOTA.
To Calla:
Puntahan kita sa apartment mo bukas.
Pagdating sa dining area ay hindi na ako umasang andoon sina mommy at daddy kaya nagulat ako nang makta silang nakaupo doon at hinihintay ako. They are always busy na halos minsan ko a lang sila makita.
Umupo muna ako bago nagsalita.
"Wala kayong duty tonight, dad?" I asked.
Kinuha ni dad ang kanin bago sumagot.
"We have. Umuwi lang kami para magdinner." sagot niya nang hindi tumitingin sakin.
Ngumiti ako at bumaling kay mommy na umiinom ng pineapple juice.
"How's your enrollment, Av?" tanong ni mommy nang maibaba na niya ang baso.
Nawala ang ngiti ko. Hindi agad ako nakasagot kaya inabala ko muna ang sarili ko sa paglalagay ng pagkain sa plato ko. I'm not good at lying kaya kailangan kong kumalma para hindi ako mautal.
Ngumiti ako kay mommy. "Tapos na po, mommy."
Tumango si mommy at nagsimula na silang kumain ni daddy. Sumubo na din ako at tumahimik.
Half of me is happy and and the other half is disappointed.
I'm happy that I am having a dinner with the. Minsan lang ito mangyari dahil kadalasan wala sila dito sa bahay at nagpapahatid lang ako ng pagkain sa kwarto ko o minsan, pumupunta ako sa apartment ni Calla para makisabay sa pagkain. I don't wanna be alone in our long table, eating. Ayaw naman ako sabayan nila manang.
And I'm disappointed dahil minsan na nga lang kami magkita-kita kahit nasa iisang bubong naman kami nakatira, yet, they have no time to ask me how am I like a normal parents.
Akala ko masayang maging only child dahil nasa iyo lahat ng attention, but I was wrong. I can't gain their attention instead I need to work for their expectation. Both are far different but the weight they have are the same, both are need hard work to gain.
Inayos ko ang suot na flannel shirt. Naka-white sleeveless top lang ako, boyfriend jeans at flat shoes. Tinawagan ko si Calla para sabihing papunta na ako sa kanila at sabay na kami sa HOTA pero ang bruha pinapatayan ako.
Hindi na ako nag-abala pang tawagin ang driver amin at nagtaxi nalang papunta sa apartment ni Calla. Hindi exclusive ang apartment niya. Simple lang yon, apat na floor lang ang building. May maliit na balkonahe muna bago ang mismong pinto. Naisip ko tuloy kung may bakante pa dito. Maganda kasi ang location dahil malapit lang sa school at maraming coffee shop at resto sa paligid. Hindi na ako gagastos para magcommute. hindi naman pwedeng lagi akong magtaxi dahil mahal naman.
Hindi na ako kumatok dahil may spare key naman ako na binigay ni Calla para daw hindi ko siya maistorbo kapag nanoood siya ng k-drama.
Walang tao sa maliit na living room niya, may isang mahaba at one seater sofa lang siya at maliit na coffee table sa gitna. Nakapatay ang TV . Lumabas siguro si Calla saglit.
Binaba ko ang body bag sa mahabang sofa at dumiretso sa mini kitchen niya para kumuha ng tubig sa ref. Nagsalin ako ng tubig sa baso. Habang umiinom ay bumukas ang pito ng cr na nasa gilid lang ng kitchen.
Akala ko si Calla ang lalabas pero nasamid ako sa tubig nang may lumabas na lalaking nakatapis lang ng tuwalya at may towel sa batok. Tumingin siya sakin. Nauubong tumalikod ako sa kanya.
Goodness! Sino ang lalaking yun? Boyfriend ni Calla? Ba't hindi ko alam? Lagot sakin ang babae na 'yon!
Mukha namang hindi nagulat yung lalaki at dumiretso lang sa sala, may kinuha siyang white t-shirt at pantalon doon. Bakit hindi ko napansin kanina yun? Sinundan ko ng tingin yung lalaki. Pumasok siya sa kwartong ginagamit ko kapag nakikitulog ako dito sa apartment ni Calla.
Mabilis akong tumakbo sa bag ko para kunin ang cellphone ko. Dinial ko ang number ni Calla at thankfully, sinagot na niya dahil kung hindi sasabunutan ko talaga siya.
"Hey, sorry hindi ko nasagot ang mga-" hindi ko na siya pinatapos.
"Sino yung lalaking nandito sa bahay mo at pumasok sa kwartong ginagamit ko? Boyfriend mo ba yun? Bakit hindi ko alam?" sunod-sunod na tanong ko.
"Kumalma ka nga, Avril. Anong boyfriend ka d'yan? Pinsan ko yan. D'yan muna siya ng one week daw. Ewan ko ba sa lalaking yan. May offer naman na condominiumyung agency niya pero ayaw tanggapin. Sabi ko nga palit nalang kami eh." tumawa siya.
"Agency?" takhang tanong ko.
"Yup. Sige na, later nalang. Pasakay na ako ng jeep. Hintayin mo nalang ako." hindi na ako nakapagsalita dahl pinatay na niya ang tawag.
Binaba ko ang phone, sakto namang bumukas ang pinto ng kwartong pinasukan ng pinsan ni Calla. Naka-simpleng gray t-shirt, white cargo shortds at flip flops na siya pero basa parin ang medyo magulo niyang buhok. Parang hindi na siya nag-abalang magsuklay.
"Ikaw siguro yung kaibigan ni Calla na sinabi niyang darating."
Hindi yun tanong pero tumango parin ako. Ngumiti siya at lumapit sakin.
"Kylo.." naglahad siya ng kamay.
Tinitigan ko muna iyon bago tinanggap.
"Avril.."
Tumango siya. Naupo siya sa mahabang sofa at kinuha ang remote na nakapatong sa coffee table. Binuksan niya ang tv at naghanap ng channel. Komportable siyang nakaupo sa sofa habang ako ay nakatayo parin sa gilid niya.
Hindi ako makapaniwalang may ganito kagwapong pinsan si Calla, I mean maganda si Calla, sobra ga eh pero ganito ba talaga ag lahi nila? Walang panget? Kasi nakita ko na ang tita niya, mama at papa. Pati mga kapatid niya. Wala pa akong nakitang panget.
"Maupo ka muna habang hinihintay si Calla. Don't watch me while watching tv." tumingala siya sakin at ngumti.
Namula ang pisngi ko at mabilis na umikot sa single sofa. Nadali pa yung paa ko kaya medyo umaray ako.
Stupid, Av. Gwapo lang yan este lalaki lang yan!