Chapter 2- Have A Date With Gelo Madrigal

1469 Words
A MAN with a pair of tantalizing eyes and long eyelashes, a pointed nose with thin lips, tall, dark, good looking and obviously manly. He lives with his wife named Elle Agustin Madrigal and his only daughter, Angelie in a peaceful village in the city. Gelo had been married for two years. His daughter Angelie was three years of age and the fact that he doesn't get married right away when Elle became pregnant to their daughter. He has a stable job and work as a supervisor in a real estate company for about five years and at the age of twenty five, he owned a condo unit, a mercedes benz car and have a save money in a bank account. So, wonder how fortunate his wife to be her husband, because he gave everything without excuses. But the reality was Gelo Faustin Madrigal hasn't fulfilled his promised to be the best husband, when he met a girl with a fair complexion, sexy and educated person who was named Deina Gomez. Pumukaw talaga ng atensyon niya si Deina na minsan lang niyang nakita at nakilala sa pinapasukan nitong Spa And Wellness, dahil nagkataong kinakailangan niyang mag-relax after work. Hindi niya nga maintindihan ang sarili kung bakit ba naman siya naging interesado sa isang babae gayong may asawa't anak na siya. He's standing in front of the Spa and Wellness while looking for Deina when an old man approached him, "Why don't you come inside to experience our good service?" Napaawang ang labi niya, lingid sa kaniyang kaalaman na ito ang may-ari ng naturang Spa and Wellness. Si Mr. Ferdie Rozales. Pormal niya itong hinarap para sagutin, "O, actually I was here yesterday," tipid na aniya. "Really? Are you satisfied about our service?" "Yeah, sir. Ahm, honestly I came back here for Deina," tila naiilang na aniya na nagpatahimik naman kay Mr. Ferdie. "O, I see, she's inside having a coffee break. You could come and enjoy with her." "Okay, thank you, sir." Pero nakakailang minuto na ang lumipas ay hindi man lang siya nagkaroon nang lakas ng loob para pumasok doon. Nagawa niya na lang humithit ng sigarilyo habang naghihintay sa paglabas ni Deina roon sa may front desk. Subalit hindi pa man siya nakatatagal sa paghithit ay may narinig siya na isang pamilyar na boses, "Nagyoyosi ka pala? You look stressed, hah?" Agad siyang napalingon dito ng kalahating mukha lamang ang nakikita. At kagaya nang inaasahan ay mapungay ang mga mata nito nang lingunin niya. "I'm just entertaining myself while waiting on you," kaswal na aniya. Bahagyang napangiti si Deina, "So, you're waiting because of?" Itinapon na muna niya ang upos ng sigarilyo at saka muling binalikan ng tingin ang dalaga, "I am interested about you, Deina. So would you mind if I ask you for a date after your duty?" Bahagyang napatango ang dalaga at simpleng ngiti ang iginanti ni Gelo. "Okay, pero okay lang ba sa'yo na maghintay ng dalawang oras?" "It's okay, Deina." Napangiting muli ang dalaga sa sinabi niya. Hindi niya alam kung bakit okay lang sa kaniya ang maghintay ng ganoon katagal. Aaminin niyang masyadong mabilis ang pagsuyo niya sa dalaga pero wala siyang pakialam dahil sadyang gusto niya pa itong kilalanin kahit alam niyang mali. A second after, Deina has came back in her work while he decided to stay in a convenience store to kill the wasted time. Habang nagpapalipas ng oras doon ay sakto namang naka-received siya ng tawag mula sa asawang si Elle. "Gelo, it's dinner time. Will you come late, again?" Halata sa boses nito ang lungkot. "Yeah, I will come home late. I'm sorry, love." Napabuntong hininga siya sa sinabi dahil ito ang first time na nagsinungaling siya sa asawa. "Sige na, Elle, mauna na kayong kumain ni Angelie, I have an important meeting in a client tonight," aniya at saka ibinaba na ang linya. Masyadong matagal ang dalawang oras para sa kaniya kaya para hindi mainip ay muli niyang sinilip si Deina sa work place nito at nagdesisyong magpa-massage ulit kahit isang oras. Saktong si Ted ang available na massage therapist kung kaya't hindi maitago ang kilig nito nang makita siya. "Deina, hindi mo naman sinabi na kilala mo ang g'wapong lalaki na tinutukoy ko!" wika ni Ted matapos makita na masayang nag-uusap ang dalawa. "Ah, kaibigan ko, si Ted," pagpapakilala ni Deina sa kaibigan. "O, Hi, Ted," sabi ni Gelo. Dahilan para lumaki ang ngiti ng baklang si Ted. "Deina, hiramin ko na muna si Papa Gelo mo, hah?" saad pa nito bago sila magtungo sa massage room at hindi alam ni Deina kung paano siya magre-react sa sinabi ng kaibigan. Matapos ang isang oras ay nag-out na si Deina sa trabaho kasabay si Ted. Pero dahil pumayag siya sa inaalok na date ni Gelo ay nagpahuli siyang umuwi dahil naghihintay sa labas si Gelo. Pagkalabas ay nakita niyang nakatayo ito malapit sa kulay gray na mercedez benz nitong kotse kung kaya naman hindi niya maiwasang humanga rito. "Where do you want to have a dinner?" tanong ni Gelo bago pa man paandarin ang makina ng kotse. "Ah.. kahit saan naman ay okay ako," tanging sagot niya kahit hindi maiwasang magtanong sa sarili kung bakit ganoon kabilis ang paglabas nilang dalawa. After a couple of years ay ngayon lang ulit siya nakipag-date sa isang lalaki. Dahil na rin siguro sa pagka-focus niya sa trabaho upang mabigyan ng magandang buhay ang magulang at dalawang kapatid. Sa Las Flores Restaurant sila huminto at nagpasyang kumain kahit may kamahalan ang mga pagkain dito. At dahil hindi pa naman naidadala rito ni Gelo ang kaniyang mag-ina kung kaya't makakaiwas sila sa issue. Habang naghihintay ng order ay doon sila nagkaroon ng time para makapag-usap. "Ahm, saan ka nga pala nagtatrabaho?" pagsisimula ni Deina sa usapan dahil kanina niya pa iyon gustong itanong simula nang makita niyang may sarili itong kotse. "I am working as a supervisor in a real estate company for five years," sagot ni Gelo. Hindi maiwasang mapahanga ni Deina kung kaya't napatanong siyang muli. "Ah, I'm just wondering that, sa tagal mo na sa trabaho ay wala ka pa rin nakilalang babae para mahalin?" "Honestly, Deina. Ngayon lang 'to sa'kin nangyari, I don't know why I got attracted on you for the first time I saw you. Oo, marami rin akong nakilalang magandang babae pero hindi ako naging interesado." Sandali pa itong napangiti bago pa muling nagsalita, "I don't know pero iba ang naramdaman ko sa'yo, parang gusto pa kitang makilala." "Pero wala ka pa talagang anak?" paniniguro niya. Subalit hindi niya inaasahan ang isasagot nito, "I have a daughter," kaswal na anito. "Pero matagal na kaming hiwalay ng ina ng anak ko." Nagkaroon siya ng sari-saring katanungan sa sarili kung kaya't napatanong siya rito para makasigurong walang magiging problema kung sakaling maging nobyo niya ito, "Gusto ko lang sanang itanong kung bakit kayo naghiwalay ng dati mong asawa nito? At kung kasal pa rin ba kayo?" Sandaling napatitig sa mga mata niya si Gelo bago pa man ito muling magsalita, "Kasal pa kami ng dati kong asawa, Deina." "Kung ganoon--" "Pero inaasikaso ko na ang annulment namin. It may be a long process, Deina. But I will assure you na nagsasabi ako ng totoo." Hindi niya maintindihan kung bakit nasasabi niya iyon kay Deina gayong nanumpa siya noon sa sarili na magiging mabuting asawa siya kay Elle matapos niya itong mabuntis. Oo, sa totoo lang ay hindi naman talaga sila magpapakasal kung hindi niya lang ito nabuntis, wala pa talaga siyang planong matali ng ganoon kaaga. Pero para sa kaniya, wala naman sigurong mali kung hahayaan niya ang kaniyang puso na maging masaya kahit alam niyang mali ang magustuhan si Deina. "Gelo?" Nabalik siya sa realidad matapos marinig ang kaniyang pangalan mula sa tinig ni Deina. Hindi niya namalayang dumating na ang kanilang order. "Ah, so how's the food?" pagbubukas niyang muli ng usapan. "Ah, it tastes good," nakangiting saad ni Deina. "Napakaganda mo talaga, Deina," wika niya at saka marahang pinisil ang kamay nito. "Hindi ka maniniwala pero sa totoo lang ay gusto ko pang masundan ang date na 'to. Can I court you, Deina?" Hindi kaagad nakapag-react ang dalaga at kakatwang isipin kung paano kabilis nangyayari ang lahat. Parang kahapon lang ay una silang nagkita at ngayon naman ay mag-aaya itong manligaw. "Ahm.. Gelo, hindi ba masyadong mabilis?" "Okay, I will wait for your response, Deina." Doon nagkaroon ng assurance si Deina na hindi naman pala mali ang kilalanin pa si Gelo, kahit sa kabila ng pagiging agressive nito para kilalanin siya at ayaing mag-date ng ganoon kabilis. Pakiramdam ni Deina ay napaka-suwerte niya dahil isang g'wapo at may stable job na lalaki ang nakapukaw ng atensyon niya. Pero lingid sa kaniyang kaalaman na kasal pa rin si Gelo kay Elle Agustin Madrigal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD