ISANG PEKLAT din kung maituturing ang kanilang relasyon para kay Deina. To think that the time that they invest from their relationship may end up downfall. Kagaya na lang ng sakit na idinulot nila kay Elle na ibinalik din agad nito sa kanila ang ganti. In fact, hanggang ngayon ay umaasa pa rin ito na babalikan ni Gelo at maibabalik ang dati nilang pagsasama. Subalit, hindi rin naman basta nagpapatalo si Deina lalo na't batid niya na sa ngayon ay panalo siya sa puso ni Gelo, anuman ang naging kapalit ng kanilang pagpili sa isa't isa. Aniya'y tama naman ang pinaglalaban niya gayong ipinaglalaban din siya nito.
For some cases ay nakabalik na sila pareho sa trabaho ni Gelo at tila naging bago muli sa kaniya ang pag-entertain ng mga kliyente. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya maka-get over sa mga nangyari-- kung paano humantong sa ganito ang relasyon nila at kung paano nila kailangang magsakripisyo para lang makasama ang isa't isa.
"Uy, Deina, kumusta naman ang pagbabakasyon ninyong dalawa ni Sir Gelo?" pakikitsismis sa kaniya ni Claudine habang nagbubukas pa lang sila ng Spa. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kaalam-alam na tinatraydor siya nito dahil sa pagiging sunud-sunuran nito kay Elle.
"Ahm, okay naman, masaya," aniya kahit sa kaibuturan ng puso niya ay nagtatago ang problema.
"O, bakit parang may iniisip ka?"
"Ah-- wala 'to, sige, pupunta na ako sa may front desk, mukhang kailangan ko muling aralin ang mga dapat gawin, e," sabi niya na nagpatulala lamang kay Claudine sa kaniya.
"Sige," sabi pa nito. At saka naman ito pasimpleng nagtungo sa may bathroom upang makausap si Elle.
"O, Claudine! I am busy right now dahil may lalakarin ako."
"Ahm, ma'am, pasensya na po kung naka-istorbo po ako. May ibabalita lang po kasi sana ako."
"Go on, just make sure na good news iyang ibabalita mo."
"Ah, pakiramdam ko po kasi ay may problema ang relasyon ngayon nina Deina at Sir Gelo, e."
Pagkasabi ni Claudine ng mga katagang 'yon ay hindi niya inaasahang marinig ang malakas na pagtawa ni Elle. "So, effective pala ang story making na ginawa ko sa magulang ni Deina. And to think about their problem, deserve ni Deina 'yon dahil isa pa rin siyang kabet!"
"Ah, ma'am, sige na po, kailangan ko nang bumalik sa trabaho."
"Okay, I will be excited upon your next news, Claudine. Bye!" At ito na mismo ang nagbaba ng linya.
Pagkatapos makausap ni Claudine si Elle ay napanatag naman siya nang mapagtantong walang ibang nakarinig sa usapan nila. Saka siya bumalik sa may front desk kung saan ay naroon si Deina.
"Saan ka nanggaling?" pagbungad ni Deina sa kaniya.
"Ah, nag-CR lang." Naging satisfied naman si Deina sa naging kasagutan niya. At kapansin-pansin ang pananahimik niya ng mga sandaling iyon habang palihim niyang minamatyagan ang bawat kilos ni Deina. Kung saan ay pahapyaw itong sumisilip-silip sa cellphone at pabago-bago ng ekspresyon ng mukha.
As usual, kapalitan nito ng mensahe si Gelo via chat habang wala pang dumadating na kliyente.
-
"Aleng Ester, I'll be leaving this house for almost a day, so make sure na aaliwin mo si Angelie para hindi niya ako hanapin. Anyway, I will tell Gelo that he should visit here after his duty." Iyon ang mga katagang sinabi ni Elle habang bihis na bihis ito.
"E, teka, Ma'am Elle, ano po pa lang idadahilan ko kapag hinanap ka sa akin ni Angelie? Nagtataka na rin ang bata dahil madalas kang nawawala."
"Basta-- ikaw na ang bahalang umisip ng dahilan, Aleng Ester."
"Sige po." May pagtataka mang nararamdaman si Aleng Ester sa napapadalas na lakad ni Elle ay pinili na lang nitong manahimik. Lalo na't ramdam nito ang lungkot sa tuwing babanggitin ni Angelie na nalalapit na ang kaarawan nito. Angelie is turning four years old, and it seems that her parents would not be excited from her birthday.
Samantala'y lihim na namang nakipagkita si Elle kay Jeremiah matapos lamang niyang ipaalam kay Aleng Ester na may lalakarin siya. At katulad nang nakasanayan ay nag-rent sila ng room sa isang motel.
Pagkapasok pa lang nila sa k'warto ay halatang sabik na sabik sila sa isa't isa. "Missed me?" wika pa ni Jeremiah.
"Of course, 'wag mo na akong paghintayin pa, Jeremiah, I want you to be mine, again," mapang-akit na aniya. Kaya naman mabilis na naghubad ng saplot si Jeremiah at saka rin siya nito hinubaran. Doo'y nagtagpo ang kanilang mga labi na puno ng kasabikan. Perhaps, s*x was Elle's happy pill despite of the negative situation between her and Gelo. Halatang ganado sila pareho sa isa't isa at wala na yatang makapipigil pa sa kanilang pagtugon sa tawag ng laman. And for Jeremiah, he would make sure that his dealing a good time with Elle will yield someday.
Napuno ng ungol ang silid na iyon at walang pinalampas na sandali sina Jeremiah at Elle para masayang ang bawat segundong pag-angkin sa isa't isa. Iba't ibang posisyon habang hindi rin naman humupa ang bawat pag-ungol. "O, Elle, ang sarap-sarap mo.." She widen her legs, dahilan para mas naging maluwag at basa ang kaniyang kailaliman.
"Go on, Jeremiah, go on! Ah! More, more, more!"
"O, Elle! This is my favorite, having a hard s*x with you.." Nagpatuloy lamang sa pag-ulos si Jeremiah habang hindi rin naman nagsasawang damhin iyon ni Elle. Ramdam na ramdam ni Elle ang pagsagad nito sa kaniyang kailaliman. Ni hindi man lang nila pinansin ang pumapatak na pawis sa kanilang katawan.
"O, harder, Jeremiah, harder!" pag-ungol pa niya na lalong nagpagana kay Jeremiah. Animo'y para itong nakikipagkarerahan sa bilis nang pag-ulos sa kaniya. Habang mahigpit din naman ang kaniyang pagyakap dito habang dinadama ang katigasan ng anito sa kailaliman niya. Hanggang sa ang mabilis na pag-ulos na iyon ay bumagal ngunit mas sinagad pa. Doo'y hindi na niya mawari ang sarap na nararamdaman. "O, Jeremiah! Please go on!" Mabagal at sagad na sagad kung kaya't parehong nagtitirikan ang kanilang mga mata sa sarap, isabay pa ang ungol na lalong nagpapagana sa kanilang dalawa.
No wonder how Jeremiah was so good in bed. Isabay pa ang pakiramdam na may nararamdaman ito sa kaniya. Tipong ine-enjoy nito ang bawat segundong kasama siya. Iyon sana ang gusto niya kay Gelo noong okay pa naman silang dalawa. Kaya nagawa niya itong hanapin sa iba.
-
Samantala'y kasalukuyang sinundo ni Gelo si Deina sa trabaho nito. Subalit kapuna-puna ang pananahimik ni Gelo buong biyahe.
"Bakit yata ang tahimik mo?" tanong ni Deina sa nobyo.
"Hindi ko lang maiwasang malungkot gayong mamaya lang ay hindi na naman kita kasama." Bahagya pa nitong pinisil ang palad niya.
"Hay, tiis lang muna tayo. Hayaan mo't magpapaalam ako kila mama na kung maaari ay p'wede akong mag-sleep over sa condo mo."
"Sige, sana pumayag sila tita. O, anyway, after this ay bibisitahin ko si Angelie." Tipid siyang napatango sa narinig. Patunay na hindi niya hinahadlangan ang tungkulin ni Gelo kay Angelo bilang ama. "Ahm, kailan nga pala ang rest day mo? Balak ko sanang lumabas tayo minsan kasama si Angelie. Para rin makilala mo na siya."
"O, sure. Go ako riyan, ahm, by next day sana.. Pero tingnan ko pa kung p'wede na akong mag-rest day, kababalik ko lang din kasi galing leave, 'di ba?"
"Alright, oo nga pala. Ako nga rin, e. O, sige, balitan mo na lang din ako, para sakaling matapatan ko ang araw na mag-rest day ka."
Naging panatag naman sila pareho nang maihatid na siya nito sa kanilang bahay. Subalit, kapansin-pansin ang pagkapagod nila sa biyahe.
"O, Gelo, dito ka na maghapunan para makapagpahinga ka rin."
"Sige po, tita, salamat," wika ni Gelo.
"Ang layo rin pala nang ibinabiyahe ni Deina araw-araw."
"Oo nga, e, nakakaawa nga si Deina, mukhang sa biyahe napapagod at hindi sa trabaho," pagsang-ayon pa ni Mang Rolando.
"E, ang totoo niyan, Gelo, napag-isip-isip namin ni tito mo na baka p'wedeng doon na muna mag-stay si Deina sa condo mo o i-renta mo muna siya ng apartment. At saka lang siya uuwi rito kapag rest day kinabukasan." Doon napaisip si Gelo sa narinig, isabay pa ang namuhay na pag-asang madalas na silang magkakasama ni Deina.
"Walang problema iyon, tita. Welcome na welcome naman po si Deina sa condo ko, ang kaso, inaalala ko po ang safety niya roon lalo na't posibleng sugurin siya ro'n ni Elle." Sandaling nagkatinginan ang mag-asawa sa asawa niya at siya namang dating ni Deina galing sa may kusina. At na-sorpresa ito sa sinabi niya, "Pero 'wag po kayong mag-alala, ako na po ang bahalang humanap ng rerentahan niyang apartment, at shoulder ko na rin po ang bayarin." Napangiti ang mag-asawa sa sinabi ni Gelo maliban kay Deina na nagtataka pa rin.
"Ano? Para kanino?" tanong ni Deina.
At doo'y sinentro siya ng tingin ng nobyo. "Para sa'yo."
"Bakit? Naku, hindi na kailangan, sanay naman na akong mag-adjust sa tagal ng biyahe."
"Naku, anak, pumayag ka na sa kagustuhan namin ng papa mo," wika ni Aleng Diana na ikinabigla niya.
"Kagustuhan n'yo? Sandali, akala ko ho ba ay kailangan na muna naming mag-lay low ni Gelo para makaiwas sa tsismis, pero bakit parang mas inilalapit n'yo pa kami sa tsismis?"
"Anak, para rin ito sa kalusugan mo. Napapansin namin ni papa mo na madalas kang pagpag sa biyahe, e. Saka siyempre, sa lugar na walang makakakilala sa inyo ay doon ka ihahanap ni Gelo ng marerentahang bahay. Paminsan-minsan ay p'wede mo siya ro'ng patulugin para naman may kasama ka."
"Pero, paano ang condo mo, Gelo?" tanong niya sa nobyo.
"Balak ko ngang ibenta na 'yon. Puno rin naman ng alaala 'yon kay Elle kaya gusto ko na rin ibenta," k'wento nito na ipinagtaka ni Deina.
"Sigurado ka ba na ibebenta mo 'yon? Nag-invest ka rin ng malaking pera para mabili 'yon. At kung may alaala man iyon ni Elle ay p'wede mo naman i-keep iyon sa iyong alaala."
"Is it really okay with you?"
"Oo naman, kahit papaano naman ay may pinagsamahan kayo. May anak kayo na p'wedeng magmana no'n someday. At isa pa, minahal mo rin siya kaya hindi p'wedeng itapon mo na lang basta-basta ang inyong pagsasama."
"Pero ikaw na ang mahal ko, Deina."
"Asus! Para na kaming nanunuod ng drama, kumain na nga tayo," pabirong wika pa ni Mang Rolando. Kaya naman nanatili ang ngiti sa kanilang mga labi.
Matapos ang salu-salo ay nagpaalam na si Gelo dahil kinakailangan na nitong bisitahin ang anak na si Angelie.
"Sige na, sigurado akong hinihintay ka na ni Angelie," wika pa ni Deina matapos na samahan sa labas si Gelo.
"Pa-kiss muna," hirit pa nito na ikinatawa niya.
"O, sige na nga," sagot niya at inginuso nito ang labi kaya siya na mismo ang kusang humalik dito.
"Ang sarap naman no'n."
Napangiti siya. "Sige na, mag-ingat ka sa biyahe, I love you."
"I love you more," sagot pa nito na nagpangiti pang muli sa kaniya.
Ngayon ay panatag na siya na unti-unti nilang kakayanin ang sitwasyon nila ngayon ni Gelo. At nakakatuwang isipin na kahit nagdulot ng negatibong epekto ang paninira ni Elle sa relasyon nila ay hindi nawala ang suporta ng kaniyang magulang sa kanilang relasyon. Na mas iniisip lang nito kung ano ang makabubuti. Subalit, nagdulot man ng peklat sa kaibuturan ng kaniyang puso ang katotohanang isa lamang siyang kabet ay tiningnan niya na lang ang magandang parte ng buhay. Ang masasayang alaala kasama si Gelo at ang magandang paraan kung paano niya ito mahalin.
Talagang pinanindigan na talaga nila ang relasyon sa kabila ng sitwasyon. At bago matulog ay napangiti siya sa mensahe ni Gelo,
"I wanna love you in good and bad, Deina. Always remember that a scar may be an art if you choose to be happy."