ANG INAASAHANG masayang selebrasyon ng birthday ni Angelie ay napuno ng pag-aalala at pangamba. Bagay na ipinag-alala ni Gelo kasabay ang galit na nararamdaman para sa dating asawa dahil sa pagkuha nito ng walang paalam sa anak. And in some cases, Gelo have felt to be burnout from what is going on. Hindi niya na alam kung saan ba lulugar gayong in process pa rin ang kanilang annulment at ngayon naman ay hindi pa rin malaman kung kanino talaga ang custody ng bata kapag dumating ang tamang panahon na idineklara na ng judge na tuluyan na silang hiwalay sa isa't isa ni Elle. Given the fact that Elle has trying to convince them that she was not fair for parental issue.
Parang natural na araw lamang ang nabungaran niya sa loob ng bahay. Dahil imbes na maging abala ang lahat sa kaarawan ni Angelie pero tila isang normal na araw lamang. But despite of the negative vibes that ruined last night, he would not deceived himself from his feeling that he was still hoping that Elle could brought back Angelie on her birthday.
"O, bakit hindi pa kayo nagluluto? Ma, do you intend to not cook?"
Doo'y nagawang humakbang ng kaniyang ina palapit sa kaniya mula sa kusina. At doon pa lang ay parang gusto na niyang maluha gayong nakikita niya ang lungkot sa mga mata nito. "Gelo, anak, mas mabuti pa siguro kung 'wag na lang nating ituloy ang celebration, tutal naman ay wala si Angelie," may tonong lungkot na pagkakasabi ng kaniyang ina.
"No, I am still hoping that Elle will change her mind."
Nang sandaling iyon ay siyang dating naman ni Deina na mukhang sumaglit lamang umalis sa trabaho para lang sa request niyang dito na ito mananghalian.
"O, hija, naparito ka? Hindi naman tuloy ang birthday party, e," wika ng kaniyang ina.
Doon sila sandaling nagkatinginan ni Gelo. "But I am doing everything para lang makuha si Angelie kay Elle at para matuloy ang celebration," paliwanag niya.
Naintindihan naman ni Deina ang sitwasyon at inaasahan na nito na walang madadadtnang ganap sa bahay nila Gelo. "Okay lang. Hahabol na lang ako mamaya if ever na matuloy pa ang celebration," wika nito na ikinabuntong hininga niya.
"I'm sorry about this, Deina. I assure you na hindi mapupunta sa wala ang pinaghirapan mo." Ang tinutukoy niya ay ang ginawa nitong design arrangement sa may veranda. Batid niya na pinagpuyatan at pinagpaguran iyon ng nobya kung kaya't ayaw niya ring mabalewala ang effort nito. Gayundin ang palipasin ang buong araw na hindi makasama ang anak.
"Aalis ka na ba niyan, hija?" pag-iiba ng usapan ni Mrs. Madrigal.
"No, mama, dito na siya manananghalian," sagot niya na ikinaawang ng labi ni Deina.
"Sige, ang kaso ay nagluluto pa lamang si Aleng Ester ng tanghalian," paliwanag ng kaniyang ina.
"Ahm, doon na lang siguro ako kakain sa may malapit na canteen ng workplace ko, Gelo. Tumatakbo ang oras at may duty pa ako."
"Oo nga naman, anak. Sana ay hindi mo na pinagsaglit pa rito si Deina, buti sana kung natuloy ang celebration."
"P'wede naman kasi nating ituloy, ma. Ang mahalaga ay matupad ko ang ipinangako ko sa anak ko." Bahagyang nagkaroon ng katahimikan sa sinabi niya. Bago pa man niya balikan ng tingin ang nobya. "Are you really sure na sa labas ka na lang kakain?" Nakita niya na walang alinlangang napatango si Deina kung kaya't nang sandaling iyon ay nakapagdesisyon siya na, "Ihahatid ko lang muna si Deina, ma."
Napatango naman si Mrs. Madrigal habang nakangiti silang tinatanaw sa pag-alis.
Habang nasa biyahe ay kapansin-pansin ang pagiging tahimik niya. Bagay na ipinag-alala ni Deina. "Iniisip mo pa rin ba ang nangyari kagabi?"
"Yeah.. wala man lang akong nagawa para protektahan ang anak ko laban kay Elle. At sa ginawa niyang iyon ay pinatunayan niya lang sa akin na wala na akong karapatan sa bata."
Magsasalita na sana si Deina subalit bigla na lang nag-ring ang phone niya. Kung kaya't sandaling natigil ang kanilang pag-uusap.
"Kumusta, Gelo? Missed me?" mapang-asar na pagbungad nito. Na halata namang boses mula kay Elle. Kaya naman sandali niyang itinigil ang sasakyan dahil na rin sa biglaang pag-init ng kaniyang dugo nang marinig ang boses ni Elle.
"Hayop ka, Elle! Nasaan ang anak ko?Ibalik mo na ngayon din si Angelie. Kung ayaw mong kasuhan kita ng kidnapping! Hindi ka marunong tumupad sa usapan, e. And you ruined my day since yesterday!"
Doo'y halos manghina siya sa malakas na pagtawa nito mula sa kabilang linya. "Kidnapping? Are you serious? Hindi paniniwalaan sa hukuman na kinidnap ko ang bata dahil anak ko siya. And starting from now ay tinatanggalan na kita ng karapatan sa kaniya."
Napahilamos siya sa sariling mukha. "Stupid. Bakit ginagawa mo 'to sa mismong birthday pa ni Angelie? Hindi mo ba alam na magiging trauma ito sa bata? Elle, please, I'm begging you na ibalik mo na si Angelie."
"And for what? Hindi naman na ako welcome sa bahay mo, 'di ba? So mas mabuti pang sa akin na lang din ang custody ng bata."
"Elle, you are making things worst. At masyado ka lang nag-o-over think sa lahat ng bagay. Alalahanin mong ikaw mismo ang kusang umalis."
"Because you can't give me what I want!" pagmamatigas pa nito.
"Na ano? Na makumpleto tayo bilang isang pamilya? Elle, alam mong malabo nang mangyari 'yon."
"Okay, so malabo na rin na makita mo pa ang anak mo," pagbabanta pa nito na ikinatangis ng bagang niya.
"Damn you!" mariing pagkamura niya.
"Simple lang naman kasi ang hinihingi ko, ibigay mo kung anong gusto ko at ibibigay ko rin ang gusto mo. Tutal naman ay hindi mo kayang mabuhay ng wala si Angelie, right? And I know na hindi mo matitiis ang anak mo." Pagkasabi niyon ni Elle ay ibinaba na nito ang linya. Dahilan para mapasigaw siya at nahampas ang manibela. Saka nagpatuloy sa pagmamaneho.
Doon napayuko si Deina at hindi maiwasang ma-guilty sa sarili. "I'm sorry, hindi siguro mangyayari 'to kung noon pa lang ay iniwan na kita nang malaman kong isa akong kabet." Bahagya siyang natigilan sa sinabi ng nobya.
"No, stop blaming yourself, Deina. Wala kang kasalanan. Maayos akong nakipagkalas kay Elle pero siya itong ayaw akong bitawan. And ngayon, gaganituhin niya ako, ginago niya ako, Deina. It's so unfair. How could she do this to me? May karapatan din ako sa bata!"
Nagsimula itong tingnan siya ng masinsinan upang sabihin, "Alam ko 'yon, Gelo. Kaya nga nagi-guilty ako sa sarili ko, e. Kasi nagkakagulo na kayo, at maging si Angelie ay nadadamay na rin sa sitwasyon. Bakit hindi mo na lang kaya ibigay ang kagustuhan ni Elle na mabuo kayong muli bilang isang pamilya?"
"Hindi, hinding-hindi ko siya magagawang balikan, hindi ko na kakayanin pang makisama sa kaniya, Deina. And look at us, masaya naman tayo, 'di ba? So please, 'wag mo naman akong ipagtulakan pabalik sa kaniya."
"I'm sorry," nakayukong sabi nito. At sakto namang nakarating na sila ng Spa kung kaya't ipinarada niya na muna ang Mercedes Benz bago muling harapin ang nobya. At marahang hawakan ang magkabilang pisngi nito.
"It's okay. Ayoko lang 'yung pakiramdam na ipinauubaya mo ako sa kaniya. Dahil hinding-hindi ko 'yon magagawa. Deina, sa'yo ako tunay na masaya kaya bakit ko gugustuhing balikan ang pagsasamang puno ng hinagpis at pagsisisi?" Dahan-dahang napatango si Deina habang naluluha. Saka niya ito kusang ikinulong sa kaniyang yakap."Tahan na, I love you and no matter what happens, I won't give up on us."
-
And upon his daughter's birthday ay hindi niya akalain na masisilayan niya ang hindi inaasahang pangyayari matapos maihatid si Deina. The designs have starting to destroy by three strangers without his permission. At wala ring nagawa sina Aleng Ester at ang kaniyang magulang para pigilan ang mga ito.
"Sandali, bakit n'yo tinatanggal ang mga designs? Itigil n'yo 'yan! Para 'yan sa anak ko at pinaghirapan 'yan ng girlfriend ko," maluha-luhang wika niya kahit halatang mas nananaig ang galit.
"Pasensya na, boss, napag-utusan lang,"
sagot ng isang lalaking maitim at malaki ang pangangatawan.
Sa puntong iyon ay siyang lapit naman sa kinatatayuan niya ng kaniyang magulang. "Anak, pasensya ka na kung hindi na namin sila napigilan. Mukhang desidido talaga silang gawin 'yan, e," ang sabi ng kaniyang ina.
"Pinilit ko pa silang 'wag ituloy pero nagawa lang nila akong tutukan ng baril," k'wento pa ng kaniyang ama. Dahilan para lalo siyang magngitngit sa galit.
"Hey, stop it! And sino bang nag-utos sa inyo para sirain 'yan?" Doon sandaling natigilan ang mga estrangherong lalaki sa ginagawa. Ngunit lumipas ang ilang segundo ay wala pa rin siyang naririnig na kasagutan. "Then sino nga? Sabihin n'yo sa akin! Si Elle ba?" Doon nagkatinginan ang tatlong lalaki.
At narinig pa niya ang sinabi no'ng isa na siyang pinakamaliit sa tatlo, "Ang sabi nj boss ay 'wag daw nating babanggitin ang pangalan niya."
Doon siya lalong nagngitngit sa galit. Kaya naman mabilis niyang nahawakan sa damit ang isang lalaki habang pinanlilisikan ito ng tingin. "Hindi n'yo ba talaga sasabihin? Kayang-kaya ko kayong ipadampot sa pulis ngayon din," pananakot niya na halatang ikinatakot ng mga ito.
"S-sige po, sasabihin na po namin, boss, pero p'wede bang bitiwan mo na ako?" pagmamakaawa nito sa kaniya. At tumupad naman siya na bitiwan ito habang umaasa sa ibibigay nilang impormasyon.
"Si Ma'am Elle po ang nag-utos sa amin," wika ng isang pinakamatangkad sa tatlo.
"Sige na, makakaalis na kayo. Tutal naman ay binayaran niya na kayo, 'di ba? At sinira n'yo lang naman ang selebrasyon na para sana sa birthday ng anak ko!" inis na pukaw niya sa mga ito bago pa man kumaripas ng takbo.
Nang sandaling iyon ay napahilamos na lamang siya sa sariling mukha. Hindi niya akalaing magiging ganito ang kahihinatnan ng kaarawan ng kaniyang anak. Hindi niya akalaing sa mismong kaarawan ni Angelie ay magsisimula ang panibagong kalbaryo sa kaniyang buhay. Kaya naman napasulyap siya sa langit habang napapatanong sa maykapal. "Is this my suffering from all of my sins?"