Chapter 6

959 Words
Angelo's Pov Lucifer du Villon: What the fvck? Why am I in here? Bungad ni Lucifer sa group chat na gawa ko, alam kong busy sila sa mga kababalaghan nila. Luci, Khairro, Rhysand ay busy sa banda nila. The rest busy sa kanilang mga babae. Rhysand Montifalcon: Tangina! Katangahan mo na naman ito. Drin Villanueva: Nakakaistorbo ka, Gelo. Francel Diaz: Laking abala naman! Kenzille Villegas: Ulol! Ano 'to? Achilles Morales: Nag-abala ka pang gumawa ng GC. Pwede ka naman magset ng appointment. Henry Tan: I'm busy. Nag horse riding ako. Raphael Plaza: Kinakabayo mo na pala ang sarili mo, Henry. Aki Cruise: Fvck! Ang ingay niyo. May gawa-gawa pa kayong GC. Laking abala. Khairro Lu: Anong use ng GC na ito? Karmelle Plaza: Anong pinoproblema niyo sa ginawang GC ni Gelo? Mga gago. Sunshine Magno: Gelo, may problema? Lucifer du Villon: Asan na iyong iba? Mga girls come out na. Karmelle Plaza: Do not disturb busy kami. Bye. Sunshine Magno: Yeah. And Henry sinasakyan mo sarili mo? Di'ba kabayo ka rin. Khairro Lu: Burn. Kenzille Villegas: HAHAHAHAHA Henry Tan: Ang papangit niyo. Ako: Ang gwapo ko kaya. Hindi ko na binasa ang mga messages nila nagfi-feeling gwapo e, nandito lang naman ang tunay na gwapo at ako iyon. I am drop dead handsome. 'Wag kayong epal. Ako: 'Wag na kayong magtalo halatang ako naman ang mas gwapo. HAHAHAHA Natatawang naitype ko. Nagreact naman ang mga loko loko. Khairro Lu: Ipo-ipo of boastfulness. Okay, baradong-barado ako kay Khairro. Lucifer du Villon: Seryoso na tayo. Maya na ang usapang loko-loko. Anong problema mo? Bago pa ako makatype ay biglang bumungad ang litratong sinend ni Farley sa GC na ikinainit ng ulo ko. Tanga! Inunahan pa ako. Kanina lang pala siya sumiseen sa convo. Farley Velasquez sent a photo Achilles Morales: 'Yan ba ang problema mo? Napa-face palm na lamang ako, paano ka ba naging kaibigan ang mga 'to? Halata naman na laging 'yan ang problema ko tinatanong pa ba nila. Francel Diaz: Tungkol na naman kay Chinny. Lucifer du Villon: Anong problema kay Chinny bukod sa maganda at sexy niyang katawan. Khairro Lu: Dude, 'wag mo naman pagnasaan si Chinny. Isusumbong kita kay Karma para ma karma ka rin. HAHAHAHA Ako: Pakyu sagad sa buto, Luci. She's mine and mine alone. Aki Cruise: Bagong miyembro ng club natin, Achill. HAHAHAHA Rhysand Montifalcon: Hindi lang ikaw ang gusto magmay-ari kay Chinny, Gelo. 'Wag kalimutan may Kilorn pa. Ilang minuto ay natahimik ang GC namin. Mukhang natumpok ni Rhysand ang punto ng litrato nina Chinny at Kilorn. That brute, I'm gonna strangle his neck and plot assassination on Kilorn Sandoval's head. I sighed in distress. May paglalabasan naman ako ng sama ng loob pero ni isang advice hindi nila magawa. Astrid Malcal: Mahirap ang sitwasyon mo, Gelo. Hindi mo kasi alam ang tungkol kay Kilorn at Chinny. Sila na talaga noon pa. Nanlumo ako sa message ni Astrid. Ayana Cuevas: Mahirap isiksik ang sarili sa taong gusto mo na hindi ka naman talaga gusto. Cristina Cordova: Dalawa lang 'yan, Gelo, it's either you'll wait for her to love you or move on with your feelings. Kahit anong desisyon mo suportado ka namin. Ako: Thank you, Astrid, Ayana and Tinnie. Napapikit ako ng mariin, ayokong sumuko na lang. Nandito na ako. Kaya ko nga napilit ang magulang ko na tulungan ang pamilya ni Chinnya para pakasalan ako dahil lang sa nararamdaman ko sa kanya, I know it's selfish. This is what desperation lead me. Mahal ko talaga siya e. Way back, hanggang tingin lang ako sa kanya sa malayo. Yes, naging kaibigan ko siya. Pero may nangyaring insidente at nawasak ang pagkakaibigan namin. She was there when I needed someone pero simula nung insidenteng iyon ay lumayo na siya sa akin. Hindi ko nga alam na sa sobrang attach mo sa kanya ay mahuhulog ka na. Kilorn Sandoval that fvcker is a well known playboy. How come na seryoso siya kay Chinny? Kung sabagay, hindi naman sila tatagal kung hindi siya seryoso. Napabalikwas ako sa sofa nang marinig kong may pumasok. At siya paalis ata siya kaya kaagad ko siyang nilapitan. "Anong oras na? Tama bang umalis ka sa ganitong oras?" I grimaced in irritation. Ito na nga pa ang sinasabi ko. Alam kong iinom na naman ito sa bar. "'Wag mo akong pakialaman." Nagmartsa siya palabas ng bahay. Hindi niya naman ma-appreciate ang effort kong panatiliin ang kaligtasan niya. Well, Gelo... Obvious naman na ayaw niya akong makita o makasama man lang. Lumipas pa ang mga araw, napangiti ako habang nakatingin sa kalendaryo. Ilang buwan na pala simula ng makasal kami. Impromptu wedding. Lumaganap din ang balitang umalis si Kilorn papuntang Japan para asikasuhin ang business ng dad niya dahil inatake ito sa puso. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi. Dahil sa kanyang pag alis laging malungkot at umuuwing lasing si Chinny. Nasasaktan man ako, wala na sa akin iyon. Mas nakakalamang naman ako sa gagong iyon dahil ako ang laging nasa tabi ni Chinny. "Angelo!" Napatingin ako sa pintuan ng classroom. Nagliligpit lang ako ng gamit ko. Lumapit sa akin ang isang classmate ni Jessa. "Di'ba kaibigan mo si Jessa? Kasi a-" "Ano?" Adrenaline rush is eating me alive. "She passed out." Nagmamadali akong umalis pagkasabi niyang nasa clinis si Jessa. Nasaan ba ang kaibigan ng babaeng iyon? Habang mabilis akong tumatakbo patungong clinic tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman sinagot ito. "Hello?" (Angelo?) Si Francel tumawag. Ano kaya ang trip nito? "Bakit?" (Si Chinny narito sa bar, lasing na lasing, ayaw paawat sa kakaoder ng alak.) Para akong nabuhusan sa sinabi ni Francel. Naglalasing na naman siya. "I'm on my way." Pinatay ko ang tawag. Fvck! Sinong uunahin ko sa kanilang dalawa? Bakit naman kasi kailangang magsabay pa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD