Chapter 9

974 Words
Angelo's Pov Napadaan ako sa shooting ground kung saan nagpapractice ang lahat ng criminology student ng pagbaril. Bihira lang kami magkita ni Chinny dito sa school, hindi na kami nagkibuan pagkatapos ng gabing nasigawan ko siya. Hindi ko na lang siya kikibuin nakakasawa na kasing tratuhin niya ako na parang hindi tao na nasasaktan. Hindi unlimited ang pain resistance ng tao. "Angelo!" Lumingin ako sa tumawag, napangiti ako. "Sabay na tayong pumunta sa cafeteria?" Tumango ako kay Jessa. "Okay lang ba kung magpapaturo sa'yo kung paano gumamit ng b***l. Gusto ko kasi malaman kung paano." "Ikaw talaga." Ginulo ko ang buhok niya. "Nandyan naman sina Luci or si Rhysand. Atsaka marunong ka naman magtaekwondo. Bakit kailangan mo pagaralan kung paano bumaril? Alam kung nahihirapan ka sa martial arts pero mas nakakatakot ang humawak ng baril." Ngumuso siya. She looks so damn adorable. Sa barkada nila ito na lang ata ang natitirang happy-go-lucky. Naglakad kami sa pathway ng nakangiti. "Hindi naman kasi ako mukhang nababagay dun, I mean mga fast learner kasi 'yung mga nakakasama ko. Sila nasa mahirap na lesson na pero ako stuck pa rin sa basic. Kaya kung pagaaralan ko kung paano bumaril baka madali akong matuto." Kung kay Chinny naii-stress ako, dito kay Jessa palagi akong nakangiti. UGH! Si Chinny na naman dapat hindi muna siya ang iniisip ko. Dapat galit galitan muna ako sa kanya. "Pwede naman, kaso baka hindi ka madaling matuto. Alam mo na." Humagalpak ako ng tawa. Sinapak niya naman ang braso ko. "Argh! Ang hard mo." Naglakad siya palayo sa akin, natatawa pa rin ako pero bigla siyang nagsalita na mas lalo ko pang ikinatawa. "I hate you na talaga." "Sure? Hate mo na ako?" Pabiro kong tanong sa kanya sabay tawa nang maabutan ko siya sa paglalakad, inakbayan ko siya. Biglang namula ang pisngi niya. "Yeah, I hate you." Natawa ako sa pagtatampo niya. She looks cute. Inalis niya ang pagkakaakbay ko sa kanya. Si Chinny kaya. Kapag ba bumait siya sa akin magiging ganito kaya kami? Gelo, kalimutan mo muna si Chinny. "Chinny, focus. Hindi mo tinatamaan ang targets." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Lucifer sa may shooting ground malapit sa may pathway. Napatingin ako sa shooting ground, nakita ko ang seryosong mukha niya habang nakatingin sa akin. Natigilan si Lucifer at mukhang nadistract sila dalawa sa amin ni Jessa. "Kuys, kayo pala? Jess, kanina pa nagsisimula ang klase niyo. Hinahanap ka ni Karma may ibibigay raw siyang reviewer niyo sa Oblicon." Naglakad kami hanggang makarating kami sa pwesto nila. Nawala lang si Kilorn, si Lucifer naman ang madalas na kasama niya ngayon. Same kasi sila Lucifer at Kilorn na isang criminology student at sakto naman isang law student si Chinny at pinagaaralan niya kung paano bumaril. Pero ngayon wala si Kilorn si Lucifer ang shooting buddy niya. Siguro sa isa 'tong presentation. "Talaga? Hahanapin ko na lang siya mamaya." Sagot ni Jessa, nagkatinginan kami ni Chinny pero agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin. "So where are we? Now, magsimula ulit tayo, Chinny." Tumango lang si Chinny kay Lucifer. "Later, guys. Sa caf lang kami." Hinila na ako paalis ni Jessa pero bago pa ako mahila palayo ay nakita ko kung paano hawakan ni Lucifer si Chinny. Tangina lang! Buti pa 'tong gagongkaibigan ko nagagawa niyang hawakan si Chinny. "Gelo." Napatingin ako kay Jessa. Nang makarating kami sa cafeteria, sabay kaming kumain, katapat ko lang siya. "Tulala ka na naman, siya pa rin ang pinoproblema mo?" I sighed at nag-iwas ng tingin sa kanya. "May problema kayo ni Chinny? Mukhang hindi kayo nagpapansinan." "Wala, ayoko lang siyang kausapin. Nakakaumay kasi ang pagtrato niya sa akin." Kinagat ko ang french fries ko, ayoko na sanang pagusapan pero hindi maiwasan. "Bakit mo kasi pinasok ang ganyang klaseng sitwasyon?" Umiling siya. "Alam mo nama na mahahantong sa ganitong pangyayari pero you took the risk. What am I gonna do to you?" Napapikit ako ng mariin. Alam naman niya ang sagot sa sarili niyang tanong. "Yeah, I know na. Pero, hindi pa dapat bigyan mo rin ng pansin ang sarili mo? Masyado mo na kasi siyang pinagtutuonan ng pansin. Madaming nagmamahal sa'yo pero nabulag ka sa pagmamahal kay Chinny." Aaminin ko na ako na ang tanga, umaasa at martyr. It's been a long time simula ng mahalin ko si Chinny at hanggang ngayon, nanlilimos pa rin ako sa kanyang kahit konti lang. "Gelo, kaibigan kita. And mahal kita. It hurts me to see you hurting." Napatingin ako sa mata ni Jessa, alam kong sincere siya at kitang-kita ko 'yon. "I'm still here." Tinapik niya ang balikat ko. "I have to go. Karma texted me may oral raw kami. See you." Tinalikuran niya ako. Ginulo ko ang buhok ko. Taman naman siya, may mga nagmamahal pa sa akin pero bakit siya pa rin? Walanghiya ka kupido. Chinny's Pov "Luci, paano ko ba ayusin 'tong b***l. Nalilito ako." Nilapitan niya naman ako at hinawakan ang b***l, pinakita niya sa akin kung paano ilagay ang bala at nginitian ako. "Sa b***l o pati na rin sa nararamdaman mo, nalilito ka na?" Nanlaki ang mata ko sa sobrang bigla sa sinabi niya, agad ko siyang naitulak. Humagalpak naman ng tawa si Lucifer. "Ang corny mo, Luci." Tinignan ko siya ng masama. "Inaasar lang kita, aight? 'Wag masyadong mainit ang ulo." Hindi ko na lang pinansin ang pangaasar niya. "Hindi na ako magtataka kung bakit ka pinakasalan ni Angelo, bukod sa mainitin ang ulo mo at kalmado siya bagay na bagay kayo. Opposite do attract." Tumawa naman siya. In his dreams. Kinuha ko ang bag ko at naglakad paalis, baka hindi ako makatiis at masapak ko siya. "Chinny, wait! Hindi pa tayo tapos. Come back here." Hindi ko na siya pinansin, magpapahangin lang ako at para akong tinablan sa salita ni Lucifer. Nalilito sa nararamdaman? No way.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD