Rule #2

1586 Words
NEVER MESS UP WITH A VIRGIN. THEY ARE THE ONES WHO MISINTERPRET s*x TO LOVE MAKING. -------- STEPHEN'S POV Pagtapos nung nangyari sa canteen, umuwi na lang ako sa apartment. Naabutan ako ni Brad Boromeo na naglalaro ng tossed coin. Pagod na pagod siyang ibinagsak yung bag niya at ilang libro sa lamesa saka padarag na naupo sa sofa katabi ko. "Dito ka lang maghapon?" Tanong niyang nakapikit habang nakasandal ang ulo sa may sandalan. "Yeah.. Pretty much." Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko at hindi na tumingin sa kanya. "First day ng klase, tinamad ka na agad?" Inunahan niya ako sa pagsalo nung coin na inihagis ko. "Tapos na yung klase ko." Hinatak ko sa kanya yung coin ko saka pinagpatuloy yung pag flip nun. "Wala kang assignment?" "Alam mo namang hindi ako gumagawa nun 'diba?" Sabi ko sabay sandal na din sa sofa. Pinag intertwine ko pa yung mga kamay ko sa batok ko. "You're making it sound so easy dude. First day palang ng klase at ang dami dami ko ng assignment. Paano pa kaya sa mga susunod na araw?" Naiiritang sabi ni Brad. "Chill lang Brad, all you have to do is read and you're good." Simpleng sabi ko. "I don't read." "Then what are you gonna do with those books? " Itinuro ko pa yung mga librong dala niya para iemphasize yung sinasabi ko. "Para sa assignments." Umiling na lang ako saka pumikit. "Hindi ka ba makikipagkita kay Kim?" "Ayoko, she kinda annoys me.." Tinignan niya ako na parang hindi makapaniwala. "Who cares if she's annoying, that girl almost can't take her hands off you. Parang lahat nga ng gusto mong ipagawa sa kanya gagawin nya." "Yun nga eh, nakakaboring na eh." "So, nakakaboring na ang s*x?" Pinanlakihan niya pa talaga ako ng mata. Ano bang nakakapagtaka sa sinabi kong nakakaboring na? "Hindi naman sa ganun.. Wala na kaseng challenge eh.. "At yun na yung boring?" Hanggang ngayon ata hindi pa rin siya makapaniwala sa sinasabi ko. "Uhmmm. medyo?" "So anong gusto mo.. More s*x or less s*x?" "I don't know, parang may gusto akong gawin na hindi ko maintindihan." Sakto namang pumasok si Toby Pedroza sa apartment namin. "Yow Papi, nabalitaan ko yung nangyari kanina sa Canteen ah?" Nag init yung ulo ko upon remembering what happened earlier. "That nerd! I wasted five minutes of my time for nothing." Nag chuckle ako saka hinagis ulit yung coin. "Must be a virgin." Brad said "Exactly! She doesn't even know what BJ means!" "Siraulo ka talaga Stephen! Akala ko ba ayaw mo sa virgin dahil naghahabol?" "Tobs, relax.. Wala akong planong ikama yung nerd na yun. Gusto ko lang pagtripan, that's all. Nakaka badtrip lang kase parang hindi siya tinamaan ng karisma ng pogi." naiiling na sabi ko. "Aww! So hindi gumana ang Stephen Potion sa kanya? Paps! she must be something. " Natatawang sabi ni Brad. "Namu Brad! Hindi siya tinamaan ng karisma ko kase tibo siya." "Paano mo naman nalaman? Does she look like one?" Baggy jeans? Long shirt? "No." Maganda naman siya. At sexy rin. Never have i ever seen a girl so sexy wearing pants and plain shirt, that's how she got my interest. "She looks like a girl, doesn't act like on though." "Babae naman pala eh. Kung ayaw mo paps, ako nalang ang magka-kama sa kanya. Hindi naman ako kasing babaero mo kaya okay lang sakin kahit pilitin niya akong magkaroon kami ng relasyon." Sabi ni Brad. "Tss. Bahala ka, basta wag kang mananakbo papunta sa akin, asking me for help kung paano makikipaghiwalay sa babae na yun ah?" "Akong bahala dun Paps, sa welcome party, popormahan ko siya. Required naman na pumunta dun kaya for sure pupunta yun." Tinignan ko si Toby na umiiling lang sa isang tabi. palibhasa may girlfriend kaya boring kasama eh. haha! ELENA'S POV "Sige na Lena! sumama ka na!" "Oo nga Lena. School related activity naman yun eh, please please? saka andun naman si Kuya Toby eh! safe tayo dun!" "Girls, Alam niyo namang allergic ako sa mga party na yan. Mag aadvance reading na lang ako sa Philo. kayo na lang pumunta, hindi ako magsusumbong." Sabi ko habang nagbubuklat ng libro. "Hindi naman importante kung mapagalitan kame or what eh, ang importante mag enjoy ka." "Ahh, natouch naman ako.. Pero no. Mqdami akong gagawin." Wala naman talaga akong gagawin pero ayoko talagang pumunta sa mga ganun. "Eh.. Tutulungan ka nalang namin sa mga gagawin mo.. Basta sumama ka na Lena. Saglit lang naman tayo eh. Titignan lang natin.. Sige na please. ." Paiyak na sabi ni Aine Rose. "Oo nga Lena.." Ibinaba ko yung librong hawak ko. "Ugh! Sige na nga! Pero Saglit lang tayo ha?" Nag hi five pa sila Aine at Kathleen nung pumayag ako. Pumunta na yung dalawa sa kwarto nila para mag ayos kaya nagbihis na din ako. Straight pants na kulay black saka Loose T-shirt na kulay white na may mukha ni Che Guevara yung suot ko. Itinali ko yung buhok ko sa likod saka ko inayos yung salamin ko. Naka fitflops din ako na back. Yung tig-three hundred lang ha, kala niyo sakin rich kid? Thirty minutes na akong nakaupo sa may sala nung lumabas sa mga kwarto nila yung dalawa. Sarcastic pa talaga silang nakatayo lang dun sa tapat ng mga kwarto nila. "Lena--" "Stop Kath.. Wag kang mag umpisa.. Baka hindi ako tumuloy." Inunahan ko na sila. For sure sisitahin na naman niyan yung damit ko. Eh, anong magagawa ko? Ganito ako magdamit. Sa ganito ako komportable? 'Kaya ka masabihang tibo e,' Ipinilig ko na lang yung ulo ko. "Tara na Kath, baka mag back out pa si Lena eh." Twenty minutes drive lang naman yung biyahe papunta sa St. Celestine pero dahil gabi na mas mabilis kaming nakarating. Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin, driver at bodyguard din nga pala ang papel ko dito. Nauna na yung dalawang pumasok sa may gym dahil naghanap pa ako ng parking space. Tinext nalang nila ako na kasama na nila si Toby at nagreply ako ng okay. Nakahanap ako ng space katabi ng Land Cruiser na kulay pula. Napasipol pa ako sa ganda nung sasakyan at hindi ko napansin na may nakatayo pala sa likuran ko habang sinisipat sipat ko yung details nung sasakyan. "Ang gwapo.." Bulong ko sa sarili ko saka ko hinaplos yung hood ng sasakyan. "Ang kinis, Babae siguro may ari neto." "Masyado naman ata akong gwapo para mapagkamalan mo akong babae." Sabi nung lalaki sa may tenga ko. "Ay, kalabaw!" Awtomatikong maglanding ang palad ko sa mukha nung lalaki sa likuran ko. Kung paano siya napunta don ng hindi ko napansin, yun ang hindi ko alam. "Nagasgasan mo yung sasakyan ko, nasampal mo pa ako. Bayaran mo 'yan!" Nakangising sabi niya. "Hoy! Bayaran ka diyan! Para hinawakan ko lang yung hood nagasgasan agad? Kapal ng mukha neto!" I may be guilty for slapping him, because he deserved it, pero hindi sa paghawak sa sasakyan niya. Wala akong pera. "Hindi naman pera yung ipapabayad ko sayo eh, Alam ko namang wala ka nun." Ang antipatiko talaga nitong hudas na ito! "Mukha ba akong walang pera?" Tinignan niya ako mula ulo pababa. "Anong gusto mong isagot ko, yung tama o yung totoo? Please don't ask me to state the obvious." Andun na naman yung nakakairitang ngisi sa mukha niya. "Ano ba talagang problema mo Steven?! Bakit ba trip na trip mo ko?!" Kumunot yung noo niya. Nakatayo lang siya dun with his hands on his pocket na parang model. Gwapo naman talaga siya eh. Matangkad, Chinito, Maputi. Parang yung mga bida sa Koreanovela? Kaya hindi ko din masisisi yung mga babaeng naghahabol sa kanya eh. Masama lang talaga ang ugali. At hindi ko maintindihan kung bakit mas naa-attract yung ibang babae sa mga lalaking kakaiba ang trato sa kanila. Too bad, isa akong malaking exception. "Hindi Steven ang pangalan ko. It's Stephen, baby." Nilahad niya pa yung palad niya. Ineexpect niya ba talagang kakamayan ko siya? Baka mamaya kung saan pa galing yung kamay niya e. "Whatever. I don't care." Nilampasan ko siya pero hinila niya yung braso ko pabalik. "WHAT THE?!" "Sa akin ka lang dumikit. May kilala akong gusto kang maikama ngayong gabi." Hinila ko yung braso ko sa kanya. "And you don't?" Parang hindi ko alam kung maiinsulto ako o hindi don ah? "At as if naman safe na safe ako sa tabi mo e numero uno kang manyakis?" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. "A-ako manyak?! Sa itsura at katawan kong ito, manyak ako?!" "Oh gwapo ka? Sang banda?!" Nakakairita! Bakit ba kausap ng kausap sakin itong lalaking ito? Tumunog yung phone ko, nagtext si Kathleen na nasa may tapat na sila ng gate para madali ko silang mahanap kaya tumalikod na ako. "Miss!" Humarap ako sa kanya. Taas kilay, kamay sa bewang. "Yung offer ko na BJ available pa rin yun, kung gusto mo lang naman." Nag init yung tenga ko! Alam ko na ang Ibig sabihin nun dahil sinabi ko kay Aine yung napag usapan namin ni Steven sa canteen. Lumapit ako sa kanya, ngumiti naman siya. Hudas talaga! "Ouch!" Sinapak ko siya saka tinuhod ko siya down there. Gago eh! "Wag na wag mong subukang ipahawak sa akin yang ano mo, dahil pag nagkaroon ako ng pagkakatao, pipilipitin ko yan!" Sabi ko saka ako nanakbo papunta sa Gym. Iniwan ko siyang namimilipit dun! Serves him right! bastos eh! ---------- RHEAN--
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD