ALEXANDRA Naalimpungatan ako dahil parang ang alog.. Mumulat na sana ako pero bakit hindi ko maibukas yung mga mata ko.. Bakit wala akong makita!? Kinapitan ko yung mata ko at nagulat ako ng may mahawakan akong tela. Potek ano to!? Nakaupo pa rin ako sa sofa pero alam kong hindi na ito yung sofa namin sa bahay. Asan ako? Hindi naman nakatali yung kamay ko.. Ano bang nangyayari!? Tatanggalin ko na sana yung piring ko pero may pumigil sakin at kinapitan ako sa braso. "wag ka ng pumalag. Matatanggal rin yan mamaya" sabi ng isang lalaki.. Bakit parang may kaboses sya? Kikidnapin ba nila ako!? Wala naman silang makukuha sakin eh! "sino kayo!? Bakit kinuha nyo ako!?" sigaw ko pero wala ng sumagot sakin. Ano bang balak nila? Sino na naman ang may pakana nito!? Naalala ko bigla yung ana

