8

708 Words
Alexandra    I really can't believe that this is happening to me.   Nakatingin ako ngayon sa reflection ko sa salamin.   Naka white off shoulder dress ako na above the knee. Kinulot ko din ung buhok ko ng konti para mas maging wavy tapos nag flat shoes na lang ako. May light make up din akong nilagay.     Simple lang pero masasabi ko naman na ang ganda ganda ko ngayon.   Pero mas okay siguro kung yung pinag handaan ko nito ay okay din. Kaso Hindi eh. Hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi ni Dad at Mom sakin kahapon.   Akala ko okay Ang lahat eh. Hindi ko in expect na aabot sa ganito. Sinabi nila sakin kahapon paguwe ko na ikakasal na daw ako.   Like....what the hell! Bakit!? Atsaka kanino!?   Kailangan daw kasi para sa company at kaibigan naman daw ni Dad yung tatay nung papakasalan ko. Letseng kompanya yan! Mas mahalaga pa ba un kesa sa akin? Sa kaligayahan ko? Hindi man lang nila naisip na baka may iba akong gusto? Na baka Hindi ako maging masaya dito? Hindi ko maiwasang makaramdam ng tampo para sa kanila.   Naiiyak nanaman ako. Kagabi pa ko iyak ng iyak eh. Hindi na nga ako pumasok sa trabaho ko. Mamumura nanaman ako nung Blayze na yon.! Napaka-ano pa naman ng ugali non.   Sigurado ako kung nandito si kuya niyayakap na ko nun ngayon. Sobrang close kami ng kuya ko. Nung nasa Australia pa nga ako, sa kanya pa rin ako minsan tumatabi matulog. Lalo na pang napapagalitan ako ni Dad kasi ayaw ko talaga maghandle ng company namin. Si kuya yung laging nandyan para patahanin ako. Sya kasi Ang naiwan dun sa kumpanya namin sa Australia para mag asikaso. Miss ko na si kuya...Sobra. "Princess? Tara na? Andito na sila sa baba" Huminga muna ako ng malalim bago nagtungo sa may pinto.   Hindi talaga ako masaya dito. Sana naman maayos yung lalaki na yon.   Bumababa na ko ng hagdan at kita ko na may kausap si Dad at Mom na mag-asawa. Siguro sila yung mga magulang noong papakasalan ko. Pero parang pamilyar sa akin yung isang lalaki? Parang nakita ko na sya?   Nakita ko naman sa may medyo malayo sa kanila ang isang lalaki na nakatalikod at may kausap sa phone. Sya siguro yon. Sana Hindi nya din to gusto para madali para samin ang lahat.   "Oh eto na pala sya". Sabi ni Dad at lumapit papunta sakin. Nakangiti naman sila lahat sa akin kaya nginitian ko din sila ng konti.   Umupo na kami sa harap ng table at nandoon na din ang mga pagkain. Mga paborito ko to ah pero wala akong ganang kumain eh.   Hindi pa rin humaharap yung lalaki. Sana wag na nga syang humarap para Hindi ko siya makilala. Haysss. Hindi ko talaga gusto to.!   Pero nawala lahat ng nasa isip ko ng humarap sya at ng nakilala ko siya.   Fuck!   Si Blayze!? Ung boss ko!?   Gulat na gulat ako na nakatingin sa kanya. Pero sya ay wala man lang ka expert expression sa mukha nya.   Aba't! Alam nya ba to lahat!? Kaya ba nya ako pinapahirapan sa office dahil dito!? Napairap naman ako sa kanya. Sama talaga ng ugali.   Nakita ko naman na nag smirked sya. Letse! Kaiyamot!   Lumapit naman na sya sa amin at umupo na. Sa harap ko sya pumwesto.   “Iha you're so beautiful" Sabi ng nanay nya sakin. Mukha naman silang mabait. Kaya pala pamilyar sa akin yung lalaki kasi nakita ko na sya sa company. Ngumiti naman ako dahil sa sinabi nya.   "Bagay na bagay sila ni Blayze. " dugsong pa nya. Hayss.   Nagpakilala sila at nakakatuwa dahil ang babait nila. Yung Mom nya ay si Tita Stella at gusto pa nga nya na tawagin ko syang mommy at yung Dad nya ay si Tito Blake. Ang babait nila pero bakit si Blayze Hindi? Hindi ko na lang pinansin si Blayze kasi Hindi din naman sya naimik. Tahimik lang sya at nakikinig sa amin.   Nagsimula na din kami kumain at ngumingiti na lang at sumasagot ng konti kapag tinatanong nila. Nakikita ko naman si Blayze na tumitingin sakin pero Hindi ko na lang pinapansin. Sa dinami dami bakit kasi sya pa!   I swear Hindi to magiging maayos.   This is going to be a f*****g hell!         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD