Addictive Pormal ko nang ipinakilala si Zig kina Lolo at Lola ng makarating kami sa table namin kanina. Nasa parehong lamesa rin si Tracey at ang mga Ellison na ipinakilala na pala kanina ni Tracey kina Lolo. Halata sa kanila na hindi pa rin sila nakapaniwalang may nobyo na 'ko. Lalo na si Lolo na sinabihan akong mag-uusap pa kami mamaya sa bahay pagmaka-uwi na daw kami. Isa iyong nakakasindak na banta para sa akin. Sa una'y lubos akong natakot pero ng sinabi n'yang isama ko si Zig upang kausapin din ito at kahit papaano'y naibsan rin ang pangamba sa loob ko. Naiwan kami sa lamesa dahil dumating kani-kanina lang si Vice Falcon na kanina ko lang rin nakilala at lumipat sa mesa nila si Lolo at sinama din n'ya si Lola Lorena. Isa ang pamilya nina Theo sa mga kilalang masalaping tao sa bu

