Promised Land Kinabukasan, bandang alas singko ng hapon ay hindi namin inaasahan ang pagbisita ni Ellize sa apartment namin. She looked frigid and a bit problematic. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala. "Liz, may sakit ka ba? Ang tamlay mo." Puna ko habang papasok kami ng gate. Ako kasi ang nagbukas sa kanya. Ngumuso ito at tumango. "Naistorbo ko ba kayo, Leigh? Wala kasi akong mapuntahang iba kundi dito. Alam mo namang kayo lang ang mga kaibigan ko." Hindi nakatakas sa pandinig ko ang lungkot sa boses ni Ellize. I held my steps, as well as Liz. Inakbayan ko ito at matamis na nginitian. "Of course, you're always welcome here, Liz. And I assure you na maaasahan kami kapag ganitong may pinagdadaanan ka. You're like a sister to us, mind you." Sumilay ang isang ngiti sa labi nito kay

