Zig, where are you? Nandito ako sa condo mo. Nasaan ka ba? Zig, please tell me where are you. Pupuntahan kita. Mag-usap naman tayo, please. Mali ang narinig mo kanina. Show up, I'm begging you. Let's talk. Ilan lang 'yan sa mga naipadala kong mensahe kay Zig sa pamamagitan ng text message. Ilang oras ko na s'yang tinatawagan pero panay ring lang ang kanyang cellphone. Mukhang wala s'yang balak na sagutin ang mga tawag ko. Naiinis ako sa kanya at ang bilis naman n'yang magalit para lang doon sa sinabi ni Tracey na wala namang katotohanan. Bakit hindi man lang n'ya nagawang tanungin o klaruhin man lang ang pagkakamali ng intindi n'ya? May kakitiran din pala ang utak ng isang 'yon! Ang laking tao pero may pawalk-out walkout pang nalalaman! Mag-iisang oras na rin ako sa loob ng condo n

