CHAPTER 1

2196 Words
CHAPTER 1 “Thank you! Thank you talaga dito, Ryle. Maaasahan ka talaga!" Malugod kong pasasalamat kay Ryle ng inabot nito sa 'kin ang pera. Bale pitong libo iyong parte ko sa talent fee. Ito ang unang beses na kumita ako ng pera mula sa aking pagkanta. Ang katas ng aking talento. Nagpapasalamat ako sa panginoon dahil pinagkalooban nya ako ng ganitong talento. Kaya ito, hindi na 'ko mamomroblema kung saan kukuha ng pera para sa gastusin ko sa mga proyekto sa school. Ayaw ko namang abalahin pa sina Lola at sa kanila ko na lang iaasa ang lahat. Panahon na rin na tulungan ko ang sarili ko para iangat ko ang aking sarili. "Pasalamatan mo yang talento mo, Hy. Kung hindi dahil diyan wala kang pera ngayon. Bakit nga ba hindi ka na lang sumama palagi sa mga gig namin? Mas malaki kikitain mo pag nagkataon." Ryle says, very convincingly and encouraging. There he is again! Never pa talagang pumasok sa isip ko iyon. I mean, hindi ko gusto ang ideyang iyon ni Ryle na sumama sa mga gig ng banda nila. Simula pa lang kasi ng magkakilala kami sa music organization sa school ay palagi nya na lang hinihiling iyon pero ito ang unang beses na pinagbigyan ko sya dahil wala rin akong choice kasi kailangan ko talaga ng pera. Inaasahan ko na, ito na rin ang huli. Nagdalawang-isip pa nga ako nong una dahil first time ko 'to at sa isang kasalan pa talaga. Akala ko nong una ordinaryong kasalan lang ang tutugtugan namin pero mali ako. Engrande pa la, sobra. Nalaglag nga ang panga ko nang makita ko ang wedding venue dahil isa itong napakalaking ancestral mansion dito sa Laguna. Halatang napakayaman nong mga ikinasal. "Ryle, ayoko okay?! This is the first and hopefully the last." Paninigurado ko. Magiging isang malaking sagabal lang 'to sa pag-aaral ko. In time, music will be right-of-away. For now, aral mo na. Pero puwede ko ring pag–isipan. Malaki naman kasi ang kinikita sa raket na ito. Umiling na lang ito. "Bahala ka. Sayang kasi boses mo!" "Kaya nga.. kung pwede lang sanang ibenta para maging pera." Ani ko at nakita ko ang pag-ismid nito. "Nagmumukha ka nang pera!" Sarkastikong saad nito. "Alam ko! Quesa naman sayo, mukha ka ng drumsticks." Dumilim ang mukha nito pero tinawanan ko lang sya. "Diyan ka muna, tatawagan ko pa si Tracey baka gabihin tayo." Wika ko at nagpaalam na. Ala una na nang hapon ng natapos ang seremonya ng kasal pero hindi pa rin kami uuwi dahil kakanta pa 'ko ulit mamaya para sa groom and bride's dance. Bale nga tatlong kanta na lang iyon and I'm done. Swerte nga kami kasi advance iyong talent fee namin kahit hindi pa tapos ang serbisyo namin. Umaapaw sa dami ang mga bisita sa event na to kaya wala akong makitang pwesto na pwede akong magpalipas ng oras at kailangan ko rin pa lang tawagan si Tracey. Naisipan ko na lang na bumalik na lang sa likod ng mansion kung saan ako tumambay kanina at pihado 'kong walang tao don. Mukhang matitino naman lahat ang mga bisita kaya walang hibang na pupunta sa isang mini playground sa pagkakataong 'to. Except me, of course! Pero hindi naman ako bisita. I went to a swing kung saan din ako umupo kanina at bahagyang dinuyan ang sarili ko habang dina-dial ang contact number ng bestfriend ko. Napangiwi pa 'ko dahil weak signal sa banda rito. Kaya tumayo pa 'ko at nagpaikot-ikot sa iba-t ibang pwesto para makasagap ng signal. Nakarating ako sa medyo sulok na bahagi ng yarda at medyo ayos na 'ko dito. There's a handmade pond over here at sa gilid nito ay may mga moderate rocks conformation at pumanhik ako sa ibabaw doon. And bull's eye! Signal's great! I dialled Tracey's number again and finally it rang. First ring, Second ring, Third.. "Heay!" Marahas akong napaikot sa likuran ko dahil sa sobrang gulat ng may nagsalita galing don, but that was a poor move. Totally a morbid shift! Hindi ko pa man nakikita ang taong nagsalita ay naramdaman ko na ang pagkawala ko sa balanse. And at this point, I felt everything around me ay parang nag-slow motion. Maging ang pag-ihip ng hangin sa mga punong-dahon ay bumagal rin. "What the?! Stay--" Muntik pa 'kong mapamura dahil hindi ko pa man natatapos marinig ang bagong litanya ng taong nasa likod ko ay natagpuan ko na ang sarili ko sa loob ng pond. Specifically, in the water na hanggang tuhod ko ang lalim. "Oh, Jeez." I hissed dramatically. Buti na lang at hindi ako natumba.. pero nasa tabi ko ngayon ang malas kaya basa ang dulo ng dress ko. And worse was.. "Ugh! Ang cellphone ko!" Nabitawan ko pala sa sobrang gulat ko kanina. Malinaw ang tubig sa pond kaya nakapa ko kaagad ang cellphone ko. Buti na lang at hindi ko rin nabitawan yong purse ko at kung nagkataon na bumuntot sa 'kin lahat ng kamalasan ay malamang pati ang pera ko ay mababasa rin. I'm thankful, though my cellphone is surely vanquished. "You alright?" Matigas na sambit ng taong dahilan ng kamalasan ko. Habang pinapahid ang basa at sigurado kong sira kong cellphone sa dress ko ay tinaas ko ang tingin ko para hanapin ang taong 'yon. Pero sekrito akong napasinghap nang parang isang griyegong bathaluman ang bumungad sa paningin ko. Parang kusang nagningning ang mga mata ko sa napakagwapong tanawin sa aking harapan. Agad kong nahigit ang hininga ko dahil para na namang tumigil ang mundo ko at maging ang pintig ng puso ko ay parang humihina rin. Is this some kind of daydreaming?! Nakakadala naman ang hitsura ng taong 'to! Kainis! Parang dinadala ka sa alapaap. His eyes were like something hypnosis however those were intense and.. resentful. O ako lang yon? "Mount up, woman!" His voice was authoritative. Para lang syang nag-utos ng isang bata. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapairap. Forgive me, God! I didn't really want to be rude. Inalis ko ang atensyon ko sa kanya at dahan-dahang umahon mula sa pond. I'm sorry vulnerable fishes if I disturbed your manner of living. Hindi ko na lang pinansin ang lalaki. Inipit ko sa kili-kili ko ang purse at cellphone ko at piniga-piga ko na lang ang dulo ng dress ko pati sapatos ko ay basa na rin. Oh, what a great day of you, Hyleigh! Nayanig ako ng hablutin ng isang kamay ang purse at cellphone ko na nakaipit sa kili-kili ko. "Oh! Anong ginagawa mo?" Nagugulohan kong tanong pero seeyusong sinusuri nito ang cellphone. His forehead wrinkled and he looks annoyed. Shocks! Those pair of gray eyes made my heart pounds even faster. Ano ba tong nararamdaman ko? Pati mata nito ay parang nang-aakit. Naku! Kailan pa ko naakit sa isang paris ng mata? Nahihibang na ata ako! "This is useless anymore." He said while still checking up my phone. "A-- alam ko." Hindi ko alam bakit ako nauutal. Parang nakakawala ng kompiyansa ang presensya ng lalaking to. O, hindi lang talaga ako sanay sa mga lalaki. Bukod kay Ryle at Winston ay wala na akong kaibigang lalaki. Kahit sa school ay mailap ako sa mga lalaki kaya siguro ganito. "s**t!" Napaatras ako dahil sa pagmura nito. Mababa lang iyon pero nakakatakot. Nakakatakot sya at ayaw ko talaga sa taong nagmumura. Masyadong nakasasama sa pandinig ko ang mga salitang yon. Never ko pang binanggit ang kahit anong mura, pakiramdam ko kasi baka masapok ako ng Lolo kong isang retired na sundalo kapag ginawa ko yon. "Ah, mister. Akin na yong gamit ko at aalis na ako." I said politely even though my mood was very close to irritation. Magaling lang talaga akong pagtimpi at pasensyosa talaga ako. Mas lalong kumunot ang noo nito at bahagya pang nagtagis ang bagang nito. Napapitlag ako ng humakbang ito palapit sa kin at hinablot ang palapulsuhan ng kamay ko at nagsimula akong hatakin. "Heay, wait! Saan tayo pupunta, Mister?" I queried frantically. Hindi ko mahablot ang kamay ko mula sa kanya dahil medyo mahigpit ang pagkakahawak nya doon kaya madali lang nya akong natatangay. Ano ba namang laban ko sa bukod sa gwapo ang nilalang na ito, ay matangkad at maskulado din ito. He's every woman's dream guy! But I'm not one! Wala naman kasi akong dream guy. "You have to change." Tipid na saad nito at hinatak nya ako sa may exit door sa likod ng mansion. Papasok ba kami sa loob? Naku! Hindi pwede! Hindi ako bisita para pumasok doon at sino ba 'to? Bakit parang alam nya ang lugar na to? Iniisip kong isa lang sya sa mga panauhin ng kasal pero bakit naman nya ako hahatakin dito na parang pag-aari nya ang lugar na to?! "Ah sandali. Hindi kasi ako pwede rito." Pigil ko pero hindi naman ako tinaponan ng tingin hanggang sa tuluyan kaming nakapasok sa malawak na kitchen ng mansion pero tuluy-tuloy pa rin ang pagkaldkad nito sa akin. Nahihiya ako sa mga kasambahay na abala sa kusina dahil nagulat ang mga ito ng makita kami pero agad rin naman silang napayuko at ang iba inalis ang mga titig sa amin. Anong mayron? "Says who?" Narinig kong wika nito na nagpakunot ng noo ko. Well, no one said but I preferred this place is off limit for me. Nalapagpasan na namin ang kitchen pati ang dining area at natulala ako ng makarating kami sa living room ng mansion. Grabe! Wala akong masabi sa ganda ng sala nito. Everything I could see in there were shouting luxury and of course, magnificent. From the paintings and portraits, the furnitures and appliances, the lounge, the vases. Lahat-lahat ay nakakamangha. Buti na lang walang ibang tao dito. Paakyat na kami sa may grand staircase ng may tumawag sa amin. I mean, sa taong humahatak sa 'kin. Ay, mali ako. May ibang tao pala. "Heay. Hold on, dude!" The voice said and we suddenly stopped. Liningon ko to at sa ikalawang pagkakataon, namangha na naman ako sa gwapo ring hitsura nito. They're obviously related to each other. Hawig kasi ang mukha nilang dalawa pero lamang lang kaunti tong kumaladkad sa kin. I wasn't sane anymore. Kailan pa ko naging ganito sa mga lalaking magaganda ang anyo? Dati hindi naman ako ganito! Aist! Nakakabahala na tong pag-iisip ko. "What?" Usal ng lalaking katabi ko sa taong tumawad dito. The guy smirked playfully. He was in his three pieces suit too just like the guy who mercilessly dragging me. "Where do you think you're going, Zig? And.." The guy paused for a moment and glanced at me. "And who's the beautiful lady?" Maangas ang aura nito pero ramdam kong hindi naman ito estupido o bastos na tao. Medyo may alam rin naman akong kumilatis ng isang tao. But wait! Did he just mention the name Zig? Yon ba ang pangalan ng lalaking to? "Get out of my business, punk. Tell Ellize I need her in my room right away." Again, his authoritative tone gone out. His room? Room? Dito? Sa kanila nga to. Mukha naman talaga syang mayaman. No doubt! His aura's roaring tons of wealth. I saw the guy shrugged and the Zig guy proceeded dragging me upstair. Saan ba ako balak dalhin ng lalaking to? He's a total stranger to me but why I'm allowing him to drag me up to here? Naku, Hyleigh! Baka may balak na masama sayo yan! My conscience retorted. "Aw, sandali. Nasasaktan na ko sa higpit ng hawak mo, Mister!" Reklamo ko. Hanggang sa nakarating kami sa ikatlong palapag ng mansion. Parang nangawit pa ang binti ko sa pag-akyat dito. Tumapat kami sa harap ng isang pinto at agad nya itong binuksan at dinala ako sa loob. Naalarma na talaga ang buong sistema ko dahil masama ang pakiramdam ko sa ideyang nasa isang kwarto ako at lalaki pa talaga ang kasama ko. Para akong batang maiiyak dahil sa sitwasyon ko. "Bakit mo ako dinala dito?" Naging garalgal ang boses ko dahil naiiyak na talaga ako. Natatakot ako baka may gawing masama ang taong to sa akin. Paano ba ko makakaalis dito? Lumambot ang mga mata nito ng tingnan ako pero saglit lang iyon dahil sumeryoso na naman ang mukha nito. Alam kong naiiyak na ako sa puntong to. Hindi ko lang talaga mapigilan dahil sa nababahala ako. "f**k, woman! Why are you crying?" Madiing sambit nito at parang nagugulohan. "Oh, s**t! Did I.. hurt you?" Bahagyang bumaba ang tono nito na parang.. nag-aalala? Umiling ako at pinahid ang mga nakatakas na luha sa pisngi ko. "Ano ba kasing ginagawa ko rito?" "I told you, you have to change your dress dahil basa ka." Paliwanag nito. "Come! Clean yourself first. I will call my cousin to ask for a spare dress for you.." He paused and looked down at my feet. "..and a pair of shoes as well." Ha? What is he doing? Oo, may punto sya doon. Alangan namang magperform ako mamaya na parang isang basang-sisiw pero bakit tinutulongan nya ako?! Nagi-guilty ba sya sa aksidenteng pagkalaglag ko sa pond? Wala naman syang kasalanan don, e. Clumsy lang talaga ako. "Ha? Bakit?" Walang kabulohang usisa ko. He explained already but I didn't get his exact point. He smirked. "Stop asking and clean up yourself now, woman." Tinuro nito ang isang pinto sa loob ng silid at pihado kong banyo iyon. Hindi na ako umangal pa at sumunod na lang din. Kailangan ko na ring bilisan baka hinahanap na 'ko nina Ryle. Hindi ko na kailangang mag-isip baka gusto lang talaga nya akong tulongan. Pero bakit naman nya gagawin yon? Frankly speaking, wala sa mukha nito ang pagiging mabait.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD