Thea POV Nakatayo ako kasama ang pamilya ko at pinsan na si Bayani sa arrival area ng Mactan–Cebu International Airport. Darating kasi ang kapatid ng pinsan ko na pinsan ko rin na mula sa America. "I-text mo nga ang kapatid, papa kung lumapag na ba ang sinasakyan na airplane ng anak niya dito." utos ni mama kay papa nang marinig ko. "Sige, mag-limang minuto na tayo nakatayo nangangalay na rin ako." sambit ni papa at kinuha ang cellphone mahal ang charge pero kailangan namin malaman kung parating ba talaga ang pinsan ko. "Kuya Bayani!" tawag ng isang lalaking mestiso. "Hero?" tanong ni Bayani sa lalaking palapit sa amin. "It's me!" slang na wika ni Hero sa kapatid. Tagalog to English lang ang pangalan nila. "How are you? Welcome to the Philippines!" ngiting bati ni Bayani sa kapati

