Thea POV Nagpunta kami ni mama at papa sa SM para bumili ng karagdagan na gamit ng baby ko. "Ma, 'yon oh ang cute pang-unisex." aniko sabay turo sa baby bottle na nakita ko. "Mabuti isa-isa natin binili ang mga gamit ng apo ko," sabat ni papa sa tabi namin ni mama. "Oo, mabuti inuna lang natin ang mabibigat katulad ng scroller at walker." sabat ni mama kay papa lumapit kami sa hilera ng mga baby bottle. Pinili ko ang gusto kong baby bottle at nilagay sa cart ni mama. "'Nak, na-kontak mo na si Vhenno?" tanong ni papa sa akin nang tignan niya ako. "Hindi ko na siya ma-kontak, pa pero nakikita ko 'yong viber niya active pa wala lang siyang social media." aniko. "Kausapin mo," wika ni papa sa akin. "Nakakahiya, sabi naman niya sa akin babalik siya may galit at tampo ako sa kanya pero

