Vhenno POV Hindi ako nakasama sa pag-dalaw sa burol ng dati kong girlfriend hindi dahil ayaw ko kundi may pupuntahan akong business tour sa ibang lugar. "Sir, ito po ang gamit nyo." bungad ng secretery. "Salamat," aniko nang inabot ang dala kong attache case na hawak niya. "Walang anuman, sir." wika ng secretary ko. Kaagad ko siyang iniwan at sinara ang pintuan. Ilang araw lang ako dito babalik kaagad ako sa Manila. "Brad, let's eat dinner." tawag ng kaibigan ko sa akin habang kumakatok sa pintuan "Saglit!" sigaw ko na lang. Inalis ko ang suot kong suit at long sleeves nagpalit lang ako ng V-cut shirt. "Okay, nasa ibaba na ang mga negosyante at ang mga sinama nating secretary." wika nito mula sa labas. Lumabas na ako at nabungaran ko siya sa tapat ng pintuan na naka-halukipkip n

