Kaagad na nahati sa gitna ang masukal na kagubatan pagkalampas ni Bogz sa isang arko na may pangalang Chronos. Silang mga myembro lang na under kay Ziglo, ang makakapasok sa transparent na pintuan ng arko. May patak ng mga dugo nilang walo, ang may limang pulgadang layong metro, bago sapitin nilang arko, kaya kusang bubukas ang transparent na pintuan kapag silang walo na ang dadaan.. Kamatayan naman ang sasapitin ng sinumang magtangka na pasukin ang sagradong lugar na itinatag ng Founder nilang si Ziglo. Ang Chronos, ang safe zone ng underground society brotherhood, Dito si Bogz dinala dati ng isang misteryosong lalaki na nagligtas sa kanya mula sa isang rambulan na kinasangkutan nila ni Paolo, kung ang sinapit ni Paolo ay bali baling buto sa tadyang at malaking hiwa ng katana sa lik

