Focus ulit ako sa pag-aaral ko at after two weeks ay may hindi na naman ako inaasahang tawag. Calling... Jam'Friend "Himala, napatawag.." naisambit ko bigla nang tingnan ko kung sino ang tumatawag sa phone ko. Sinagot ko ito. "Hello, Jam," bati ko rito na nasa tonong masaya. Alam ko kasi na good news ang sasabihin niya or ibabalita niya sa akin. Baka kasi sabihin niya na okay na talaga sila ni Janina. Na bumalik na ang pagmamahal sa kanya nito. Eh ‘di mas maganda. “Hello..” bati rin naman niya mula sa kabilang linya. "Oh, Jam, napatawag ka? How are you?" sunud-sunod kong tanong rito. "I'm not fine, Jeel,” sagot nito sa akin na hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako bigla nang takot. “Why?” tanong ko tuloy dito. Huwag naman sanang tungkol ka

