Nasa kama ako habang nakahiga. Ikot lang nang ikot. Hindi kasi ako makatulog. Natapos kasi ang dinner namin ni John na iba ang ambiance. 'Dinner'. Bakit 'dinner' lang? Hindi ko kasi alam kung ano ang itatawag ko sa nangyari na iyon sa amin kanina. Dinner date ba iyon? Eh kumain lang naman kami tapos dinala niya ako sa playground at----- May sinabi siya. "I love you…" ulit ng utak ko. "Arrr!" sigaw ko habang nakatalukbong ng unan, "Ano ba?!" napabalikwas tuloy ako ng tayo at saka pumunta sa study table ko kung nasaan ang desktop ko, in-open ko ito. Hindi ako makatulog kaya naman magche-check na lang ako ng sss ko. Nag-open nga ako ng account ko sa sss. Gusto kong mag-post ng shout out. Gusto kong ilagay na, 'Help me how to decide!' Kas

