Nasa bleecher ulit ako ngayon ng gym ng school namin habang nag-iisip.
It's been two months.
I was thinking pa din kung bakit nagawa iyon sa akin ng best friend ko, na mahal ko.
Oo, nakakatawa, kasi sa kanya ang unang halik ko.
"Ja," may tumawag sa akin, isang pamilyar na boses. Napalingon ako at nakita ko si John, "Hi, kumusta?" tanong niya na nakatayo na sa harapan ko, "It's been three months since the last time we've talked," sabi pa niya, "Kumusta ka naman?"
Hindi ko alam pero naalala ko kung ilang beses din siyang humingi ng sorry sa akin pero pilit ko siyang hindi pinansin.
At heto, siya na naman ang nasa harapan ko.
"A-Ah, heto, okay lang, i-ikaw?" tanong ko na tumingin sa kanya.
“I'm nearly fine but definitely not,” sagot niya sa akin, “Um, can I seat?" tanong niya habang tinuturo ang pwesto sa tabi ko.
Napatingin naman ako sa pagturo niya, "Yeah sure," sagot ko at saka umupo sa tabi ko.
"Um, Ja, can we talk?" tanong niya nang makaupo na siya.
"Um, yeah, we are talking already," sagot ko na napangiti dito.
"Yeah, I know," napangiti rin siya, "But, I just want to say sorry for what I've done before," he started, “I know how much you’ve tried to be so distant the past months,” tama siya, nahalata din pala niya, “But I just want to apologize from what I did to you,” he said na tumingin sa akin.
"John---," sambit ko dito pero mabilis naman siyang nagsalita.
"Please just say I'm forgiven,” kitang-kita sa mga mata niya na sincere siya sa paghingi sa akin ng sorry, “Please?"
Nakatitig lang ako sa kanya. Wala naman sigurong masama kung papatawarin ko siya.
Ngumiti ako sa kanya at, "’Yon nga sana ang sasabihin ko sa iyo eh," sagot ko dito.
"Oh, thank you, thank you!" pagkasabi no’n ay yumakap siya sa akin, nagulat na naman ako, "Thank you, I'm so thankful because you forgave me already," sabi niya sabay tanggal sa pagkakayakap sa akin.
"W-Wala iyon,” sagot ko habang mahinang natatawa.
"But thank you talaga, Ja,” he said nang kumalas mula sa pagkakayakap niya sa akin, “Let's call for a celebration!" nakangiti niyang sambit.
"Celebration?” napamaang naman ako dito, “For what?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.
"For......” nag-isip pa siya, “I am forgiven," sabi niya na ngumiti nang sobra-sobra.
Napangiti din ako, "Sira, para iyon lang eh," binatukan ko tuloy siya.
"Ouch!" daing niya.
"Ay, masakit ba?” sambit ko dito, “Sorry," sabi ko na hinipo ang ulo niya.
Sa paghipo kung ‘yon hindi ko inaasahan ang gagawin niyang paghawak sa kamay ko.
Nagkatitigan tuloy kami.
"E-ehem." sabi ko dito na kunwari ay nasamid ako.
"Oops, sorry,” hingi naman niya ng tawad kaagad sa akin, “By tha way, do you have a minute?” tanong niya na kinaisip ko na naman kung bakit, “Let's go out tonight," aya niya.
Akala ko naman kung ano.
Bakit nga naman hindi? sabi ng utak ko, "Yeah, sure,” sagot ko dito, “I do have lots of free time today," dagdag ko pa dito sabay ngiti.
"That's really calls for a celebration," sabi niya na tumawa.
Napatingin naman ako lalo sa kanya, "Loko loko," sagot ko.
"Yeah, I know, mtagal na," sagot naman niya.
"Since when?" tanong ko na tumawa na din.
"Since the day I met you," sagot niya na biglang sumeryoso ang ngiti.
Napatigil ako sa pagtawa.
Napatitig ako sakanya.
"Ja, I'm-----," hindi na niya nasabi pa kung ano ang sasabihin niya nang biglang tumunog ang bess.
"KRRIIIIIIIIIIINNNGGGGGGGGGGGG!!" hudyat iyon na tapos na ang recess.
"Tara na, balik na tayo sa classroom," aya ko sa kanya.
"Yeah, sure," sagot niya sa akin, at naglakad na nga kami pabalik ng classroom.
Habang naglalakad kami, napaisip ako, ano kaya ang sasabihin niya? natigil ang pag-iisip ko nang magsalita siya.
"Um, Ja,” baling niya sa akin, “Is it okay if I'll drive you home?" tanong niya na kinatingin ko sa kanya. Tumingin din siya sa akin.
"I'm serious," sabi pa niya.
"S-Sure," sagot ko na hindi ko naman dapat sasabihin na oo, pero ewan ko ba kung bakit iyon na ang nasabi ko. Bahala na.
Nakita ko na lang ang pagngiti na naman niya sa sagot ko.
- - - - - - - - - -
Pagkatapos ng klase, "Ja," tawag na naman sa akin ni John.
Lumingon ako.
Lumapit siya.
"Tara," ngiti niyang aya.
"Wait, wait,” sabi ko habang nag-aayos pa ng mga gamit ko, “Hindi pa ako tapos mag-ayos ng gamit ko eh," sagot ko habang naglalagay naman na ng mga books sa bag ko.
"Need some help?" tanong niya.
"Huwag na,” simpleng sagot ko dito, “Kaya ko na ‘to," sabi ko pa dito.
"Okay, you said so," sagot niya.
Pinanood nga niya ako habang nagliligpit ng mga gamit ko.
"Tapos na ako," sabi ko na nakangiti.
"At last!" sagot naman ni John na tumayo na sa pagkakaupo sa desk ng katabi kong chair.
Napatawa naman ako, "Tagal ba?" tanong ko dito.
"Nope, actually you quite too fast," sabi nya na nakasimangot na, “Fast from a tortoise,” dagdag pa niya na kinatawa ko dito.
"I'm sorry for waiting, come on." sagot ko at aya ko na din sa kanya.
Tumayo na siya nang tuluyan at lumabas na kami ng classroom.
Hinatid nga ako ni John sa bahay namin. Nagkita na naman sila ni mama at nagkwentuhan na naman.
"Kumusta po, Tita?" tanong nito kay Mama.
"Mabuti naman, Hijo, long time no see ah?" si Mama naman habang nakangiti kay John, "Bakit ngayon ka lang napadalaw?" tanong ni mama.
Nasa salas silang dalawa habang ako pababa ng hagdan dahil nagbihis pa ako.
"I’m sorry, Tita, we just have som-----," hindi na niya natuloy pa ang sasabihin niya kay Mama nang magsalita na ako.
"Busy kasi siya, Ma, the past few weeks kaya hindi siya nakakapunta, hindi ba John?" sagot ko.
Sinadya ko talagang putulin ang sasabihin ni John kasi alam kong masasabi nya ang totoong dahilan kung bakit hindi nga siya nakakapunta sa bahay at ayokong malaman ni Mama dahil matanong iyon. Baka maungkat pa ang mga hindi dapat maungkat.
Napatingin lang si John sa akin at-- "Yes Tita, I’m too busy po talaga the previous weeks,” sagot niya sa akin, “I’m really sorry po, Tita.”
Buti sumang-ayon siya, sabi ng utak ko.
"Ah, it's good that you came here at least kahit papano nagkaroon ulit ako ng bisita,” sagot ni Mama na tumawa pa nang malakas.
Nagulat naman ako sa gesture ni Mama kaya sinita ko siya.
"Ma naman," sita ko tuloy dito.
"I'm sorry, anak, I can’t help it,” sagot naman ni Mama sa akin.
Napatingin lang naman si John sa amin ni Mama. Parang nagtatanong na ano bang meron, pero hindi lang niya maisatinig dahil alam niyang wala siya sa lugar.
"Um, anyway Ma, aalis po pala kami ni John," sabi ko na umupo sa tabi ni Mama.
"Where will you going?" tanong ni Mama kay John.
"Ah, to my Tita’s restaurant po,” sagot naman dito ni John, “It’s been a while po kasi since the last time I asked Ja to go out,” dagdag pa nito na kinatingin sa akin ni Mama.
"It's a dinner date?" tanong ni Mama sa amin
Parehas naman kaming nagkatinginan ni John.
Sabi na nga ba eh.
Ito ang ayaw ko kay mama.
Masyadong matanong.
It is good naman kahit papano pero kasi wala na sa lugar kung minsan.
"No Ma,” mabilis na sagot ko dito bago na naman siya makapagtanong ulit, “It's just a short celebration," sagot ko na nakatingin kay John.
"Celebration?" muli na namang tanong ni Mama, “For what?"
Aw! Nadulas ako, "Ah----," come on, isip Janina, “Um, sa a-------,” hindi ko na nasabi pa nang magsalita naman na si John.
"It's just a short celebration for the two of us po kasi I just won on a quiz bee contest inside our classroom," sagot ni John.
Whaaaat?! sabi ng utak ko.
Muntik na akong matawa sa sinabi niya. Buti na lang napigilan ko kasi tumingin siya sa akin na nagsasabing sumang-ayon na lang ako kaya naman, "Y-Yeah!” kunwari ko na ding pagsang-ayon, “He did won that particular contest, Ma, that's for the celebration," sagot ko na ngumiti kay Mama.
"Wow! Really? Well, that's really worth to celebrate for,” masayang sabi naman ni Mama na kinahinga ko naman na nang maluwag, “Congratulations!" sabi ni mama na tumingin sa aming dalawa habang nakangiti.
"Yes tita, I know, um, shall we go na po?" tanong ni John kay Mama.
"Oh yes of course,” sagot naman ni Mama dito, “Ingatan mo ang anak ko, John ah?" si mama habang palabas na kami ng bahay.
"Ma," sita ko na naman kay mama.
"Don't worry Tita, I'll take good care of her," sagot naman ni John kay mama.
"I know, I can see it in your eyes," si mama na sumeryoso na.
Nagulat naman ako.
"Oh, Tita, by the way, what do you want?” tanong ni John, “Pasalubong, anything, just tell me," sabi ni John.
"Just come home safe, I wouldn't request anything," sagot ni mama na kinangiti ko at niyakap ko siya.
"I love you, Ma," sabi ko.
"I love you more," sagot naman ni Mama at hinalikan ako sa noo.
That's my Mom.
"Drive safely, John,” paalala nito kay John, “Take care," dagdag pa ni mama na kumaway pa.