"Saan tayo?" tanong ko. "Watch and learn, Kin," sagot niya na ngumiti pa at, "Trust me,” iyon lang ang sinabi niya saka pinaandar ang kotse. Hindi ko alam kung saan kami pupunta or kung ano man ang pa-surprise na naman sa akin ni John. Para kasing hindi siya nauubusan sa mga paandar niya sa akin. Laging may pasabog kapag magkasama kami. Ano na naman kaya ang hinanda niya ngayon? iyan ang tanong ko sa utak ko habang tinitingnan ang mga dinadaanan naming lugar. Pang alam ko na ito. Papunta ito sa paborito kong lugar. Nakilala ko kasi ang mga bahay na dinaanan namin. At kahit na sa ibang street pa siya dumaan ay makikilala at makikilala ko pa rin ang pupuntahan namin. At ito talaga ang paborito kong lugar. Ang Playground. Nanla

