“Niloko niya ako,” paulit-ulit na naririnig at bumabalik sa utak at sa isip ko ang mga katagang binitawan ni Jam kanina.
Niloko siya? Ang babaeng ‘yon! Napaka! Bakit niya sinaktan ang best friend ko?!
Napakasama niya! sigaw ng utak ko, Napakaloving at napakabait ng best firiend ko pero niloko niya?! Ang sama-sama ng ugali niya! Maldita siya! tuloy ko pa ding sambit sa utak ko.
Naiinis kasi ako!
Nanggagalaiti!
Bakit ba kasi ang babaeng iyon ang nagustuhan niya?!
Binalikan ko ulit ang nangyari kanina.
“Niloko niya ako,” napansin ko, hindi siya galit habang sinasabi niya iyon kundi lungkot at panghihinayang ang nakita ko sa mga mata ni Jam kanina.
Umayos ako ng higa sa kama ko.
Inisip ko ulit ang mukha ng best friend ko.
Malungkot siya.
Nasasaktan.
“Dapat kasi hindi ko siya pinabayaan sa babaeng ‘yon eh,” sabi ko sabay upo at sumandal sa sandalan ng kama ko.
Nag-iisip ako.
Paano ba?
Paano kaya?
Bumalikwas na naman ako. Tumayo sa kama at pumunta sa study table ko kung nasaan ang computer ko. In-on ko yung AVR, ang CPU at ang monitor ng PC ko. Magne-net muna ako.
Nag-open ako ng account ko sa f*******:. Nag-approved ng friend request, nag-reject at nag-comment sa mga posts.
Hindi ko alam pero bigla na lang nag-type ang mga daliri ko ng James Harold L. Tanacco.
At iyon nga, nag-appear ang account ng best friend ko.
May shout-out siya at ang sabi…
It seems like,
I'm going crazy without you,
It seems like,
The end of the world for us,
It seems like,
Fighting for the love aren't enough.
Is it really goodbye?
Ouch! Bakit ang sakit?
Ramdam ko ang nararamdamang bigat ng best friend ko. Pero bakit naaapektuhan ako? “Syempre best friend ko eh,” sagot ko sa sarili ko, Oo nga naman.
Magco-comment na sana ako sa shout-out niyang nabasa ko nang biglang…
James: Pssst...
Nag-appear sa chat ko.
Si Jam.
James: Gabi na, bakit gising ka pa?
Janina: Ah, hindi kasi ako makatulog, eh ikaw, bakit gising ka pa? tanong ko.
James: Nagmumuni-muni lang.
Janina: Ahhh.
James: Am, bogz, pwede ba tayong magkita ngayon sa playground?
Janina: Hah, bakit?
James: Kailangan ka lang kasi ng best friend mo, kung okay lang sa iyo? sabi niya.
Syempre best friend ko siya kaya malamang sa malamang na pupunta ako.
Janina: Oh sige ba, wala naman si Mama eh, nasa Laguna, nagkita sila ni Papa.
James: Okay sige, wait na lang kita doon, Ja.
Janina: sige.
James: Ingat bogz.. huling message niya sa akin at saka nag-offline na.
Nag-offline na din ako at pinatay ang PC ko, pagkatapos ay nagbihis, at nag-ayos.
At heto, naglalakad na papuntang playground.
Habang ako ay naglalakad, napaisip akong bigla, bakit kaya parang may mali sa akin? Ano kaya ‘yon? Iba kasi talaga ang ikinikilos ko ngayon eh, ibang-iba.
Nasa ganoong pag-iisip pa din ako hanggang sa makarating sa playground. Nandoon na si Jam, naghihintay na sa akin.
Nakita niya ako. Tumayo siya sa may swing at nagsimulang maglakad papunta na din sa akin, "Bogz," sabi ko na napahinto sa paglalakad, pero hindi siya nagsalita, bagkus ay bigla niya akong niyakap!
Mahigpit, sobrang higpit.
Hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang alam ko, masaya ako sa gesture niyang gano’n.
Heto na naman ako, yayakap na naman sa kanya. Sana naman huwag na siyang biglang kumalas.
Nakiramdam muna ako. Ang mahigpit niyang yakap ang nagpaparamdam sa akin na yakapin ko din siya. Gustong-gusto ko pero may nagsasabing huwag.
"Ja..." tawag niya sa akin.
"mm?" sambit ko dito.
"Please embrace me," bulong niya sa akin at iyon na nga ang nagsilbing hudyat dahil sa kanya na mismo nanggaling, "Please..." ulit pa niya na lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin.
Ewan ko ba pero nagkusa ang mga braso ko na yumakap sa kanya. Ito na iyon. Ito na talaga iyon.
Ang pakiramdam na ito, bibigyan ko na ng pangalan.
Pag-ibig.
Umiibig ako.
Nagmamahal.
Mahal ko si Jam!
Tama!
Mahal ko nga si Jam!
Pumikit ako at dinama ko ang sandaling iyon. Ang oras na kayakap ko ang best friend ko. Ang oras na kasama ko si Jam. At ang oras na nagmamahal ako!
"Bogz..." tawag niya sa akin.
"m-m?" muli ko na namang sambit dito.
"Ang sakit,” nagulat ako sa sinabi niya, “Ang sakit sakit, bogz!" sabi niya na umiiyak na pala.
Ang best friend ko, umiiyak, "Bogz..." mahinang sambit ko sa kanya.
"Ja, ang sakit eh,” ulit na naman niya, “Mahal na mahal ko siya!" sabi pa niya.
Nawala ang higpit ng yakap ko sa narinig kong ‘yon. Parang gusto kong bumagsak na lang. Parang nawalan ako ng panimbang. Parang nawalan ng buhay.
"Bogz, ang sakit!” sabi niya habang patuloy na umiiyak sa akin, “Ang sakit-sakit!” nararamdaman ko ang bigat at lungkot sa bawat pagbigkas niya ng mga katagang iyon, “Mahal na mahal ko siya pero niloko niya lang ako!” hinaplos ko ang likod niya para mapakalma siya, “Ang sakit, bogz!" sigaw niyang muli habang nakayakap pa rin sa akin.
Ang sakit, bogz! gusto kong sabihin din sa kanya.
Gusto ko siyang sampalin para magising siya sa katotohanan na marami pang babae diyan na pwedeng mahalin at libreng-libre din na magmahal sa kanya tulad ko, pero di ko magawa dahil ayoko namang saktan ang best friend kong mahal ko na.
"Bogz.." mahina kong sagot sa kanya, "Kaya mo ‘yan!" sabi ko dito, gusto ko kasing bigyan siya ng lakas na loob, ngunit sa sinabi kong iyon naramdaman kong bumitiw na siya sa pagkakayakap sa akin.
Tinitigan niya ako, "Thank you, bogz, best friend talaga kita," sabi niya habang nakatingin sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanya. Tumalikod siya at naglakad. Pumunta siya sa may swing. Naupo na nakatingin sa kawalan.
Sumunod ako sa kanya. Naupo din ako sa kabilang swing.
Dinuyan ko iyon, "Bogz, ano ba talagang nangyari?" tanong ko dito.
Yumuko siya, "Mahal na mahal ko siya, bogz!" sabi niya.
"Alam ko, bogz," sagot ko naman sa kanya.
"Akala ko masaya na kami,” umpisa niya sa akin sabay tayo, “Akala ko wala nang hahadlang at forever na ‘yon,” nakikinig lang ako sa kanya, “But I was wrong kasi dalawa kami!" halata ko ang panginginig ng boses niya, "Pinapili ko siya,” nakatalikod pa din siya sa akin, “Akala ko sa akin siya masaya at ako ang pipiliin niya pero nagkamali ako,” humarap siya sa akin, “Mas gusto niya ang gagong iyon!” nababakas ko na ang unti-unti niyang pagkagalit, “Mas masaya siya sa hayop na iyon!" sabi niya na halos mapaos na ang boses nito sa pagsigaw.
"Bogz, ano ka ba?” sita ko na din sa kanya, “Baka may makarinig sa iyo," sabi ko.
"Bogz naman, kaya nga dito tayo nagkita kasi malayo sa mga bahay-bahay,” sagot naman niya sa akin.
"Okay,” sagot ko din sa kanya, “Eh teka, sino ba nauna sa inyo?” out-of-curiosity kong tanong dito, “Yung isa ba o ikaw?" napalunok ako sa huli kong sinabi. Nakita ko kasi sa mga mata niya ang galit.
"Ako malamang, pero ang gagong iyon biglang pumasok sa eksena!” muli na naman siyang nagtaas ng boses, “Akala ata niya walang boyfriend si Jek, nanulot ang p*t*," gigil niyang paliwanag sa akin.
"Bogz!" sita ko ulit sa kanya, hindi kasi maganda ang huli niyang sinabi.
"Sorry," mabilis naman niyang sagot sa akin.
"Eh, malay mo naman tine-test ka lang niya?" sabi ko naman dito para kahit papaano ay kumalma siya.
"Kung test lang niya ‘yon, bakit nakita ko silang magkasama?” tumingin siya sa akin, “Magka-holding hands?” tapos nag-iba na naman ang reaksyon ng mukha niya, “And worst, magkahalikan!" sabi niya na talagang nagtaas ng boses.
"Bogz, malay mo best friend niya lang, parang tayo," sabi ko dito, hindi ko na kasi alam kung ano pa ang pwede kong sabihin para kumalma siya.
"Bogz naman,” lumapit na naman siya sa akin, “Mag-best friend tayo pero hindi naman tayo nagho-holding hands at naghahalikan, ‘di ba?" sabi niya, sabagay tama siya, hindi nga naman kami ganoon.
Muli na naman akong nakaisip ng sasabihin, "Eh, bogz baka naman pinagseselos ka lang?"
"Bogz naman, bakit pa niya ako pagseselosin kung alam niyang magseselos ako?" tanong niya sa akin, palagi siyang may sagot.
"Okay, okay, panalo ka na,” give up na ako sa mga sagot niya, hindi ko naman siya mapakalma, “Hindi ko alam, malay mo, hindi ka na niya mahal," sabi kong hindi nag-isip, saka ko na lang naisip na mali pala ang sinabi ko nang bigla siyang tumingin sa akin. Tumitig siya. May galit sa tingin niya.
Sana di ko na lang sinabi iyon, bawi ng isipan ko.
"Bogz, I'm---," hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang tumayo at iwan ako, "Bogz.." tawag ko sa kanya, "Bogz!" pero dire-diretso lang siyang naglakad na parang walang naririnig.
Naiwan akong mag-isa sa swing.
Tama, mahal na mahal talaga niya si Jek, napaiyak na ako ng tuluyan sa iniisip ng utak ko.
Ang sakit!
Ang sakit sakit!