Napatingin sa akin si Ja habang gulat na gulat. Tumayo siya. Siguro nga talagang nagulat siya. "Hey, bogz, ako ‘to," tumayo din ako sabay tapik sa balikat niya, at doon na siya nagsalita,"Jam?" "Yeah, It's me, ano ka ba?" sabi ko sabay tawa sa kanya. Nakakatawa naman kasi talaga ang reaksyon niya. Feeling ko hindi siya makapaniwala na nakikita niya ako ngayon na nasa harapan niya. "Well, sorry, can't blame me kasi it's been months since the last time I saw you," sagot niya sa akin. Gusto ko sanang sabihin na 3 months to be exact pero ayokong sabihin kasi baka malaman niyang palihim ko siyang sinundan. "Yeah, alam ko, ‘yon no’ng hi---," hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko kasi mabilis siyang nagsalita. "H-How are you? You look so fine,” tanong niya sa ak

