"Oh, ano? Nakita mo na?!" sigaw pa din ng tita ko. Hindi ko alam kung ano ba ang gustong ipahiwatig sa akin ng Tita ko. Pero para matigil siya ay tumingin na ako sa salamin gaya nang sinabi niya. Hinawakan ko ang salamin na ibinigay sa akin ni Tita, "Tita, ano bang masama sa itsura ko?" tanong ko rito habang nakatingin sa sarili ko sa salamin. "James Harold, hindi mo ba nakikita ‘yan?!" turo ni tita sa buhok ko, "Ano ‘yan, bangs?!" sigaw nang sigaw si Tita. Bakit ba siya sumisigaw at nagagalit? Ano bang mali sa itsura ko? Hinawakan ko ang buhok ko gaya ng sinabi ni Tita sa akin. Oo may bangs na nga ako. Ano naman? "Ito?” may nakita na naman siya, “Ano ba ‘to, bigote?!” hinawakan na naman niya ang mukha ko, “Tapos ito, balbas?!" naririndi ako sa boses ng

