Wala namang nagawa si John kundi ang sundin ang sinabi ko. Naiinis kasi talaga ko sa kanya. Hinatid niya ako sa bahay at umalis na rin kaagad. Walang paa-paalam. Alam ko, nagtampo rin siya kasi ang gusto lang naman niya ay masolo ako pero umayaw ako. Nag-end-up tuloy kami sa ganito-- maaga umuwi at walang ginagawa. Naba-badtrip tuloy ako lalo. Aalis na siya mamaya, ni hindi man lang ako tine-text o tinatawagan. Nakakainis! Nakakaasar! Ano ba?! sambit ko sa utak ko. Humiga ako sa kama ko dahil wala naman na akong balak gawin. Pumikit. May inalala. Naalala ko ang mga surprises ni John sa akin every day. Napangiti ako habang nakapikit. Tapos ay bigla akong dumilat. Napaupo. "Am I in love?!" natanong ko sa sarili ko sabay bangon s

