Hapon na kaya nagwalis si Elena sa bakuran ng bahay nila. Maraming tuyong dahon ang nahuhulog mula sa punong talisay kaya maya't-maya ay kailangan walisin. Kahit ang totoo ay gusto lang niyang makaiwas sa loob ng bahay. Nasa loob kasi si Matty kasama ang ama nito at naglalaro ang mga ito ng chess. Sa edad ni Matty ay marunong na itong maglaro ng chess dahil iyon ang palaging nilalaro ng daddy niya kapag nasa bahay lang ito sa New Zealand. "Anak, baka gusto mo na rin walisan ang bakuran ng kapitbahay, kanina ka pa diyan ah." ani nanay niya. Umingos siya at hindi ito sinagot. "Alam mo, ang sarap titigan ang mag ama mo sa loob anak. Manang-mana ang apo ko sa ama niya. Ke ga-gwapo! Pwede kang magpalahi ng marami Elena!" sambit pa ng ina. Namula ang pisngi niya sa sinabi ng nanay niya

