Nagmamadali ang kilos ni Elena habang nag aayos ng kanyang mukha. Ngayon ang araw na kailangan niyang e-meet ang VIP client nila. Nakasuot siya ng black fitted tube dress na hanggang gitna ng hita ang haba. Pinatungan niya iyon ng white cardigan at mataas na heels. Nag make up din siya ng very light at gumamit ng pulang lipstick. Her hair was in a hight ponytail kaya mas nadipina ang shape ng kanyang mukha. Tiningnan niya ang relong pambisig, alas singko na nang hapon at alas sais ang schedule nila. Ayaw niyang ma late dahil hindi pwedeng pinaghihintay ang client, and that would be unprofessional. Mas okay kung siya ang maghihintay kesa ito. Nagpaalam siya sa nanay niya at hinalikan ang anak bago siya lumabas ng bahay. Butbit niya ang isang suitcase na naglalaman ng mga folder para sa pa

