Pagkatapos nga ng duty niya ay nauna na siyang nagpaalam sa binata para makauwi. Plano niyang pumunta sa isang grocery store para bumili ng stocks nila sa kanilang bahay. Naghihintay siya na may dumaang traysikel kaya nakatayo lamang siya sa gilid. May mga nakakasabay rin naman siya na katrabaho. Tabi ng highway naman ang capitol nila kaya hindi masiyado mahirap ang pag-aantay ng puwede niyang masakyan dahil may jeep din naman. “Uwi ka na ba?” tanong ng babaeng sa tingin niya ay nasa edad treinta pa. Nakita niya ito kanina sa labas ng opisina ni Callum. “Opo,” sagot niya rito. “Sumabay ka na sa ‘min,” wika nito at pumara na ng jeep. “Taga saan po ba kayo?” tanong niya. “Sa kanto ng purok four,” sagot nito. “Sa kabila po ang sa amin eh,” aniya rito. “Ay! Ganoon ba? Sayang naman. Baka

