“Aalis ka ngayon?” tanong ni Callum sa kaniya. Tumango naman si Loli at nginitian nang tipid si Callum. “Three times a week ba ang schedule ng prenatal mo?” tanong pa nito. Mukhang hindi ito kumbinsido. Alanganing tumango naman si Loli rito. “I’ll go with you, gusto ko ring bumawi sa inyo ni, baby. Lalo pa at ilang check-ups na ring wala ako,” wika nito. “H-Hindi, okay lang,” ani Loli. Napakunot-noo naman si Callum sa sinabi niya. “Why?” takang tanong nito. Natigilan naman si Loli at alanganing nginitian ito. “I-I mean, baka busy ka. Baka marami ka pang trabaho. Okay lang sa ‘kin na ako lang muna. Alam kong sobrang busy mo sa trabaho,” paliwanag niya rito. Tiningnan naman siya ni Callum at ilang saglit pa ay huminga nang malalim at nilapitan siya. “Okay,” anito. Niyakap naman it

