“Loli!” Kumakaway si Gemma sa loob ng gate nila at mabilis na lumabas nang makita siyang pababa na ng sasakyan. Napangiti naman si Loli at patakbong nilapitan ito. “Happy birthday,” bati niya rito at kaaagd na ibinigay ang regalo. Dumaan siya saglit kanina sa mall para bumili ng ireregalo sa kaibigan. “Nag-abala ka pa talaga,” anito at niyakap siya ulit. “Thank you, ha. Tara sa loob para makakain ka na rin. Nandoon ang mga kaibigan ko. Papakilala rin kita sa family ko,” nakangiting saad nito. Tumango naman si Loli. Pagdating nga nila ay kaagad na natigilan siya nang matuon sa kanila ang pansin ng mga bisita. Nakaramdam naman siya ng hiya. “Ahm...G-Gemma,” mahinang wika niya. “Hello guys! This is my friend, Loli!” masayang sambit ni Gemma. Nahihiyang ngumiti naman si Loli sa kanila.

