Chapter 7

3212 Words
Napamulat ang dalaga nang maramdaman ang liwanag na tumatama sa kaniyang mga mata. Pakiramdam niya ay dinagan ka siya ng sampung katao sa bigat ng kaniyang pakiramdam. Napahawak siya sa kaniyang ulo at bumangon. Natigilan siya at napatingin sa paligid. Pagkatapos ay napapikit. Wala na ang binata at siya na lang mag-isa ang natira. Tumayo siya at napatingin sa bedside table. Kinuha niya ang maliit na papel doon at may nakasulat na two million. Cheque iyon kaagad na kinuha niya ang pera at mabilis na nagbihis. Hindi na niya inisip pa ang kirot sa kaniyang katawan. Bago nga siya lumabas ay pumasok muna siya sa banyo. Halos lumabas ang mata niya nang makita ang mga pula-pula sa kaniyang leeg at natutop ang sariling bibig. “Buti na lang nagsalamin muna ako,” aniya at napahawak sa kaniyang ulo. Paniguradong malaking kahihiyan kapag nakita ng mga tao ang itsura niya. Inilugay niya ang kaniyang buhok at lumabas na. Kinuha na niya ang kaniyang cellphone nang tumunog iyon. Sinugod naman ng kaba ang kaniyang dibdib nang makitang unknown number iyon. Sinagot niya naman kaagad. “Hello?” “What’s taking you so long to answer?” bungad nito. Hindi naman galit ang boses nito. Talagang kaswal lang. “N-Nag-CR ako,” sagot niya rito. “Kagigising mo lang ba?” usisa nito. Tumango naman siya kahit hindi siya nakikita nito. “O-Oo,” sagot niya. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit nauutal siya kapag kausap ang binata. “I already instructed the driver. Kumain ka rin muna bago ka umuwi. Ihahatid ka ng driver sa baba,” wika nito. “Salamat,” tipid niyang wika. Hindi na siguro sila magkikita pagkatapos nito. “Thanks for last night.” Napalunok naman si Loli at napabuga ng hangin. Bumalik na naman sa balintataw niya ang nangyari kagabi. Pakiramdam niya ay nagsitayuan ang kaniyang balahibo lalo na nu’ng maalala ang mga halik nito sa katawan niya. “Salamat din,” aniya. “How are you feeling?” “Okay lang ako,” sagot niya. Kumikirot pa rin ang bandang ibaba niya pero tolerable naman. Buti na lamang at uminom siya ng gamot kagabi dahil kung hindi paniguradong mahihirapan siya ngayong umaga. “Do you have anything else needed? Just tell me,” sambit nito. Umiling naman ang dalaga. “Maraming salamat, sana ang nangyari sa ‘ting dalawa ay sa ‘ting dalawa lang,” mahinang aniya. Rinig naman niya ang mahinang pagtawa ng binata sa kabilang linya. “Of course! I don’t want the world to know how awesome and memorable that night was,” sagot nito. Nakagat naman ng dalaga ang labi niya. “I have to go, bye,” wika nito. “O-Okay,” aniya. “Don’t hesitate to call me again if you need my help,” saad nito bago pinatay ang tawag. Napatingin naman si Lolita sa selpon niya at huminga nang malalim. Kinapa niya ang sarili kung may pait bang naramdaman o sakit kaso wala. Alam ng puso’t isipan niya na tama ang kaniyang ginagawa. Ultimo katawan niya ay nagre-react pa nga. Malaking bagay ang nawala sa kaniya, subalit kapalit nu’n ay ang kasiguraduhan na magagamot nang maayos ang kaniyang kapatid. Lumabas na siya ng kuwarto at bumaba. Nakita niya ang katulong sa baba na tila hinihintay siya. “Bilin po ni, sir na pakainin kayo bago umalis. Naghanda po ako ng pagkain niyo,” saad nito. “Thank you po,” sagot niya rito. Ngumiti lamang nang tipid ang babae. Napatingin si Lolita sa paligid ng bahay at lalong maganda pa pala ito sa umaga. Maraming paintings pero ni isang litrato ng binata ay wala. Napaisip nga siya sa kamisteryoso ng kaniig. “Bakit kaya ayaw niyang makita ko siya? May something kaya sa mukha niya? Pero napakakinis ng mukha niya nu’ng nahawakan ko,” usal niya sa sarili. Tumunog ang kaniyang tiyan nang masilayan ang napakaraming pagkain. Kaagad na nilantakan naman niya iyon. Ni hindi niya napansin ang sariling gutom na gutom pala siya. Nakatingin lang ang kasambahay sa kaniya na tila ba tuwang-tuwa sa kaniya. Nakatayo lang ito sa gilid at naghihintay na utusan niya. “Halika, sabayan mo akong kumain,” aya niya rito. “Mamaya na ho ako ma’am. Kain lang po kayo riyan,” sagot nito. Nang matapos siya ay saka pa siya nakaramdam ng hiya rito. “Maraming salamat po,” wika niya. Nginitian lamang siya nito at sinamahan papunta sa labas. Nandoon ang driver at naghihintay sa kaniya. Binuksan pa nito ang pinto. Pumasok naman siya at nagpasalamat ulit sa katulong at umalis na sila. Nagpaderecho na rin siya sa hospital. Pagdating nga niya sa kuwarto kung saan naka-confine ang kapatid ay magkasama ang papa at tiya niya. “Oh, Loli?” ani ng kaniyang tiya. “Ano ang ginagawa mo rito? Hindi kita nakita kagabi sa bahay ah. Umalis ka ba?” usisa naman ng papa niya. Kinuha naman niya ang cheque sa kaniyang bag at ibinigay iyon sa kanila. Kita naman niya ang pagsinghap ng kaniyang ama at gulat sa mukha ng tiya. “Diyos ko! Ang laki nito, Lolita,” sambit ng kaniyang tiya. “Saan mo ito nakuha?” kunot ang noong tanong ng kaniyang ama. Hindi naman niya iyon masagot agad. “Lolita, tinatanong kita,” seryosong sambit ng kaniyang ama. “M-May tumulong po sa ‘kin,” sagot niya rito. “Sino?” Kinakabahan siya dahil mukhang nagagalit na ang kaniyang ama. “Aba! Galing ito sa isang foundation na tumutulong sa mga may heart problems oh. International pa yata,” sambit ng kaniyang tiya. Sabay na napatingin naman sila sa cheque. Napakunot-noo siya nang makitang wala iyong pangalan ng binata. Bagkus iba ang nakalagay. “Napakalaki nito, Lolita. Napakalaking tulong. Pakiramdam ko nawalan ng bigat ang balikat ko,” mangiyak-ngiyak na sambit ng kaniyang tiya. Napangiti naman siya rito. Tiningnan niya ang ama na nakatingin lang sa kaniya. Mukhang hindi ito kumbinsido. Hinawakan naman niya ang kamay nito. “Pa, huwag ka ng magtaka. Hindi ako nanloko ng tao para lang diyan. Malaki ang perang iyan, kung manloloko ako paniguradong hahanapin ako ng pulis. Hindi ako scammer. Hindi rin ako pumasok sa mga illegal na negosyo o ano pa man diyan. Sadyang may tumulong lang sa ‘tin para maging maayos na si Junior. Kung diskumpyado po kayo ay puwede nating puntahan o tawagan ang foundation,” wika niya rito. “Hindi naman sa nagdududa ako. Pero parang ganoon na nga. Napakalaki ng dalawang milyon. Hindi iyan dalawang daang libo, dalawang milyon,” giit nito. Hinawakan naman ng tiya niya ang kamay ng ama. “Ano ka ba? Tingnan mo nga oh. Cheque iyan, hindi puwedeng scam iyan,” saad nito at tiningnan siya. “Dahil iyan sigurado sa kabaitan mo, Loli. Hindi kaya may kinalaman ang nobyo mo sa perang ito? Paano kung gumawa siya ng paraan para tulungan tayo?” wika ng tiya niya. Natigilan naman si Lolita at natawa nang pagak. “Imposible po, huwag po kayong mag-isip nang ganiyan. Hindi po ganoon kalambot ang puso ng taong iyon para tulungan tayo,” aniya. Halata sa boses niya ang inis. “Hindi na po ako magtatagal. Uuwi na rin po ako kaagad at hindi po ako nakatulog nang maayos kagabi kaiisip diyan,” nakangiting aniya. Sinusubukan niyang maging masigla para hindi mapaghahalataan. “Kahit sino naman, talagang hindi makakatulog kapag nakahawak ng ganito kalaking pera,” wika nito. Natawa naman si Loli. “Sige na ‘Pa, Tiya,” aniya at nagpaalam na rito. “Oh sige, mag-iingat ka,” wika ng ama niya. Tumango naman siya. Napahinga siya nang malalim nang maramdaman ang kirot sa bandang balakang niya. Ramdam na rin niya ang pangangalay ng kaniyang paa. “Anak, okay ka lang?” nag-aalalang tanong ng kaniyang ama. Luimngon naman siya sa mga ito at tumango. “Kamamadali ko po kanina nadulas ako,” palusot niya. “Sakto pong tumama ang balakang ko,” dagdag niya. “Mag-iingat kasi,” ani ng tiya niya. “Okay lang po ako huwag kayong mag-alala. Magpapahilot lang ako mamaya kay, Aling Tessie,” aniya at kumaway na sa mga ito. Ginawa niya talaga ang lahat para makapaglakad nang maayos. Tiniis niya lang ang sakit. Grabe naman kasi ang ginawang acrobatics nila ng binata. Pumara na siya ng traysikel at nagpahatid sa kanila. Habang nakasakay nga ay malayo ang kaniyang tingin. Nang makarating sa bahay nila ay deritso siya tulog. Kailangan niyang magpahinga nang mabuti. -------------------------------------------- Kinabukasan ay maaga siyang nagising at nag-asikaso ng bahay nila. Masaya siya at mukhang mabuti ang pasok sa kaniya ng buwang ito. Hindi na rin siya masiyadong nag-aalala dahil sisimulan na ang operation ng kapatid at kompleto na ang kanilang pambayad. Pagkatapos maglaba ay naligo na muna siya at saka isinampay iyon sa labas. Habang nagsasampay nga ay natigilan siya nang makita ang school band. Mukhang may bisita ang barangay nila. Itinuloy niya ang kaniyang pagsasampay. “Ang ingay, nandiyan na naman ang mga politiko panigurado.” Napalingon siya at nakita si Nicah na mukhang kagigising lang din. “Politiko?” “Oo, nakalimutan mo na yatang pista ngayon dito sa barangay natin. Atin ang may pinakamalaking era kaya imbitado halos lahat ng politiko. Siyempre alam mo naman kung paano sila magpabango,” wika ni Nicah. Sabay na napatingin sila sa daan nang makita ang malaking float at kumakaway roon ang mga politiko. Kaagad na natigilan si Loli nang makita ang ama ni Derek at si Derek. Katabi nito ang magandang dilag na anak yata ng kumpare ng ama nitong politiko rin. “Mukhang naka-move on agad ang gago ah,” komento ni Nicah. Natawa naman siya. “Hindi naman ‘yan nasaktan sa dami ng kagaguhan niyan sa buhay,” sagot niya. “Korek,” ani Nicah at pumasok na sa loob. Habang nagsasampay nga ay natigilan siya nang mapansin ang nakasunod na sasakyan. Napalunok siya nang magawi ang tingin nito sa kaniya. Hindi siya makagalaw. Napakatangkad, napakaguwapo. Para itong demi-god sa sobrang guwapo. “Loli!” Naipilig niya ang kaniyang ulo at napangiti nang makita si Geng-Geng sa tabi nito. Huminto naman saglit ang sasakyan at bumaba si Geng-Geng saka nilapitan siya. Nakipagkamay na rin ang iba pang mga pulitiko sa mga tao. “Dito ka pala nakatira,” sambit nito at mukhang tuwang-tuwa na nakita siya. “Oo,” sagot niya. “Geng.” Sabay na napalingon sila nang may tumawag sa matanda. Nahigit ni Lolita ang kaniyang hininga nang masilayan ito sa malapitan. Ang lakas-lakas ng kabog ng kaniyang dibdib na para bang lalabas na iyon. “Gov,” ani Geng-Geng at tiningnan si Lolita saka ngumiti. “Loli, ito pala si Governor Callum. Iyong sumagip sa ‘yo,” wika ni Geng-Geng. “H-Huh?” aniya. Napalunok si Loli at kaagad na nagpasalamat dito. Nakagat niya ang kaniyang labi dahil sa sobrang hiya lalo na sa suot niya. Duster iyon na may butas pa sa baba. Lintik! Sa dinami-rami naman ng araw at panahon, ngayon pa talaga sila nagkita na sobrang dugyot niya kahit pa sabihing kaliligo niya pa lang. “M-Maraming salamat po sa pagtulong sa akin, G-Governor,” aniya rito. Tiningnan lamang siya ng binata at tinanguhan. Hindi niya kayang titigan ito dahil nakakatunaw ang napakaganda nitong abuhing mata. Mukhang hindi ito pure pinoy. Parang pamilyar din sa kaniya ang bulto nito. “Matagal ka na niyang gustong makita at pasalamatan, Gov. Kaso laging bulilyaso ang pagkikita niyo dahil busy,” wika ni Geng-Geng. Napaayos naman sa pagkakatayo niya si Loli at tiningnan ang binatang nakatingin din pala sa kaniya. Sa sobrang gandang lalaki ay hindi niya ito kayang tingnan nang matagal. “It’s fine,” sagot nito. Nagpaalam na rin ito dahil nilapitan na ng iilang staff ng barangay. “Ano? Pogi ba ng boss ko?” kinikilig na tanong ni Geng-Geng. “Hindi ka na yata makapagsalita riyan,” dagdag pa nito. Nahiya naman si Loli. “Tingnan mo naman ang suot ko, nakakahiya. Gobernador pa naman ang kaharap ko,” aniya at natawa sa sarili. Tiningnan naman siya ni Geng-Geng. “Okay lang ‘yan, bawi naman sa ganda. Gandang natural na mabango at fresh,” anito at kinindatan siya. Napaikot naman niya ang kaniyang mata rito. “Ano? Kumusta ka na? May trabaho ka na ba?” tanong nito. “Mag-a-apply na ako sa call center. Baka sakaling matanggap,” aniya. Tiningnan naman siya ni Geng-Geng. “Sabihan mo lang ako kapag wala ha. Ilalapit kita kay, Gov. Baka may bakante roon, puwede kitang ipasok,” sambit nito. “Huwag na, nakakahiya,” aniya. “Sus! Basta, just tell me right away,” anito at nginisihan siya. “S-Sige, salamat.” “Sige na, alis na ako. Sarap ng nakadapang lechon sa bahay ni, kap. Kain muna ako, gusto mo sumama?” tanong nito. “Naku!” Natawa naman si Geng-Geng at umalis na. Pumasok na rin siya sa loob. “Kain na tayo,” aya sa kaniya ni Nicah. Tumango naman siya at umupo na. “Daming ulam,” komento niya. “Sunod-sunod ang hatid ng ulam galing kapit-bahay. Sa dami ng problema natin nakalimutan na nating pista rito sa ‘tin,” natatawang sambit ni Nicah. “Kaya nga eh, maraming pulitiko kanina. Nilapitan pa ako ng gobernador tapos ganito suot ko,” aniya. Tiningnan naman siya ni Nicah at hindi na napigilan ang sarili nitong tumawa. “Okay lang ‘yan maganda ka naman eh,” anito. Napailing na lamang si Lolita. “Bata pa pala ang gobernador natin dito. Tapos mukhang hindi pinoy,” sambit niya. “Oo, hindi mo ba nakita iyon? Saan ka ba nu’ng nakaraang eleksiyon?” Napakamot naman ang dalaga sa ulo niya. “Iyong oposisyon niya yata ang naiboto ko eh,” sagot niya. Lalo namang natawa si Nicah. “Sa dami ng hinaharap nating problema nakalimutan na yata nating makipag-socialize. Ni mga nangyayari sa paligid natin wala na tayong oras para bigyan ng paki. Kawawa naman tayo,” ani Nicah. “Ano? Ang pogi niya ‘di ba? Type mo ba?” usisa nito. Tila tinutudyo pa siya. “H-Hindi ah,” deny niya at sumubo na ng pagkain. Inipit niya ang kaniyang buhok at nagpatuloy na sa pagkain. Napalingon naman siya kay Nicah na nakatingin lang sa kaniya. “Bakit? May kanin ba sa mukha ko?” tanong niya rito. “Walang kanin pero may hickeys,” sagot nito. Mabilis na napahawak naman siya sa leeg niya at napalunok. “So? Ginawa mo talaga?” tanong nito. Nahihiyang tumango naman siya. “Kumusta naman ang first time mo? Kaya pala parang iba ang aura mo ngayon ah. Ramdam kong parang kakaiba rin ang kilos mo. Masakit ano? Malaki ba?” nakangising tanong sa kaniya ni Nicah. “Ano ba?” reklamo niya at hindi napigilan ang sarili na mapangiti. “Hala siya!” ani Nicah at lalo pa siyang tinudyo. “Ano na?” anito. Mahinang tumango naman siya kaya napatili si Nicah. “Hindi nga? Guwapo ba?” usisa nito. “Parang,” sagot niya. “Anong parang? Huwag mong sabihing hindi mo nakita ang mukha?” asik nito. “Ganoon na nga, hindi ko nakita kasi sobrang dilim,” sagot niya rito. “OMG! Hindi mo ba nahanapan ng paraan para makita ang mukha niya?” “Hindi na eh, lantang-lanta ako,” sagot niya. Napatili naman ulit si Nicah. “Diyos ko ka talaga day!” anito at napapalakpak pa. “Natikman mo na rin ang sarap at kaluwalhatian sa mundong ibabaw,” anito at napailing. “Ano na set-up niyo ngayon?” “Binigyan niya ako ng 2M pagkatapos nu’ng nangyari. Naibigay ko na rin kahapon kay, papa at tiya. Kaya hindi mo na kailangang magpakapagod pa masiyado, Nicah,” nakangiting wika niya. Kita naman niya ang gaan sa reaction nito. “Pasensiya ka na ha, at maraming salamat. Alam kong malaking step iyon sa ‘yo bilang babae. Hindi kasi ako naging mayaman eh,” sambit nito at bumusangot. Natawa naman siya. “Hindi naman puwedeng ikaw ang asahan namin sa lahat. Noon pa man kita ko naman ang pagod mo. Halos ikaw na lahat-lahat sa pagpapagamot ni, Junior. Ngayon naman, paniguradong may sosobra pa sa perang iyon. Maghanap tayo ng bagong trabaho. Mag-a-apply ako sa call center, gusto mo bang sumama?” tanong niya rito. “Maganda iyan, paniguradong makakapasok ka. Hindi naman mataas ang standards ng mga BPO company. Isa pa, matalino ka naman. Kaya mo na ‘yan,” sagot nito. Lumambot naman ang ekspresiyon ni Loli sa sagot nito. “Ayaw mo bang umalis sa trabaho mo? May pumipigil ba sa ‘yo?” tanong niya rito. Ngumiti lamang nang tipid si Nicah. “Kung sana kasi ganoon lang kadali makaalis sa trabaho ko. Alam mo kasi hindi na ako makakahanap pa ng ganito kalaking sweldo. Habang bata pa ako, kailangan kong pagtiisan ‘to. Alam ko balang araw magkakaroon din ako ng lakas para makaalis sa trabahong ‘to,” sagot niya. Pakiramdam ni Lolita ay may malalim pa itong dahilan. Ramdam niya na may tinatago ang kinakapatid. “Huwag mo ng guluhin ang isipan mo. Okay lang ako, hindi naman ako pinapahirapan sa trabaho ko eh. Isa pa, gusto ko ‘to. Dahil kung ayaw ko sa trabaho kong ‘to matagal na sana akong umalis,” nakangiting wika nito tila kinukombinsi siya. “Bakit pakiramdam ko hindi ka nagsasabi nang totoo?” aniya rito. Kita naman niyang natigilan si Nicah. “Ang sarap talaga ng humba ni, Aling Tina,” komento nito at sumubo ng pagkain. “Pasensiya ka na kung masiyado akong pakialamera,” aniya rito. Umiling naman si Nicah sa kaniya. “May mga bagay at sitwasiyon lang talaga na masiyadong mahirap intindihin. Ayaw kong mamroblema ka sa ‘kin dahil okay lang ako. Kilala mo naman siguro ako. May ugali rin akong hindi kaaya-aya. Lumalabas iyon kapag sumusobra na. Kapag masiyado na akong sinasaktan,” sambit nito. “Masaya ka ba sa lalaking ‘yan? Kaya ka ba nagtitiis? Hindi ka naman nagsasayaw eh. Dahil nu’ng nandoon ako hindi kita nakita,” sambit niya. Natigilan naman si Nicah at uminom ng tubig. “Sana nga nagsayaw na lang ako,” anito at tumawa. Kita niyang tila nag-aalangan ito. “Loli, okay lang ako. Itong trabaho ko ang nagsu-sustain sa akin. Masaya ako sa ganito kaya huwag kang mag-alala sa ‘kin,” wika niya. “Kung hindi mo na kaya, puwede ka namang tumigil eh. Maghahanap tayo ng trabaho. Pangako hindi ako mag-aasawa hangga’t hindi nagiging okay ang pamumuhay natin. Hindi mo naman kailangang buhatin lahat eh, nandito na ako. Tutulong ako sa abot ng makakaya ko,” wika niya. “Alam mo? Tama lang na umalis ka kaagad sa aliwan. Hindi ka bagay sa ganoon. Iyang call center, iyan ang bagay sa ‘yo. Huwag kang tumulad sa ‘kin. Maayos pa at maliwanag ang kinabukasan mo. Huwag mo akong alalahanin. Saka mas unahin mong magkajowa na no. Magbe-bente singko ka na. Hindi puwedeng hindi ka mag-asawa. Baka single iyong gobernador natin, gusto mo ba tulungan kitang mapalapit doon? May kakilala akong kaibigan niya,” anito at tinutukso na naman siya. “Nicah,” reklamo niya. Tumawa lamang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD