Kinuha ko ang phone mula sa bag at napansin ang ilang messages doon. Ipinadala ni Pierre ang mga selca naming dalawa sa kwarto. Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga litrato. May mga nakaseryosong mukha at may mga wacky shots. Ginamit kong wallpaper sa phone ang litrato naming dalawa na nakakindat at nakadila. Maya-maya lang ay dumating na si Pierre na may dalang dalawang platong puno ng pagkain. “Halata mo bang gutom na ‘ko?” Bati ko nang nakangiti. Imbis na sa tapat na upuan maupo ay tumabi siya sa’kin. “Oo kasi gutom na rin ako.” Nakangiti niyang sagot. Kung ako lang ang tatanungin ay pwede akong kumain ng marami kahit walang ulam basta kasama ko siya. Nakakagana ng appetite kung isang gwapong nilalang ang kasama. “Did I mention that this is a ball?” “Oo. Pero

