CHAPTER 4

1739 Words
JIHYOUNG'S POV ISANG SIMPLE subalit masarap na meryenda ang inihanda ni mommy para sa amin. Halata sa mga mata niya ang tuwa nang malaman niyang nay mga naging kaibigan ako kaagad. Lalo na't kasama ko si Chanyoung para turuan ako sa mga lessons na maaring na-missed ko since bagong lipat pa lang ako dito. Ito namang kaibigan ko, halatang kanina pa nagpipigil ng kilig. Kanina ko pa sya nahuhuli na sumusulyap kay kuya Henry tapos biglang mag-iiwas ng tingin kapag mapapatingin sa kanya si kuya. “Chanyoung, wag kang maiilang sa amin. Feel at home,” ani mother dear habang nasa hapagkainan na kami. “Salamat nga pala sa pagtulong sa aming Hyongie sa school. Sa totoo lang, nag-aalala ako na baka mahirapan siyang mag-adjust. Mabuti na lang at may nakita kaagad siyang kaibigan sa school.” “Alam mo mother dear, actually, tatlo talaga sila, e. Kaya lang busy sina Ate Jihan at Minsuel e. Pero next time talaga, isasama ko sila dito sa bahay.” sagot ko habang panay ang nguya ng rice cakes na ginawa niya. "Okay lang naman po 'yon, diba?" “Well of course honey. I'm looking forward to meet them too,” sagot ni mother dear at inayos pa ang magulo kong buhok. “Aigoo, dalagang dalaga na ang bunso namin.” Ngumiti lang ako at tinuloy ang aking pagkain. Marami pang tinanong sina mother dear kay Chanyoung na nakangiti naman niyang sinasagot. Iyon nga lang, kapag si Kuya Henry na ang nagtanong, namumula na ang gaga. Ako na talaga ang number one supporter ng Chanyoung-Henry Couple, hihihi. “Hoy, anong nginingiti-ngiti mo, a?” Kantsaw sa akin ni Chanyoung kaya umiling ako. “Ano nga?” “Kapag sinabi ko, ikaw naman ang mapapangiti kaya wag na lang.” sagot ko bago uminom ng tubig. “I'm done. Salamat sa masarap na pagkain!” sigaw ko at hinimas pa ang aking tiyan. “Magpapaka-butihing mag-aaral muna kami. Annyeong!” Tinapik ko pa ang balikat ni Chanyoung para sumunod na siya sa akin. “Saan tayo?” “Sa kwarto ko. Kung gusto mo sa kwarto ni Oeraboeni,” natatawa kong suhestiyon. “As if pwede naman, diba?” sagot niya bago magpakawala ng buntong hininga. “Gusto mo ba?” Nanghahamon kong tanong. “Sira! Parang tanga 'to.” aniya at mahina pang natawa. “Woah! Ang simple ng kwarto mo pero ang classy tingnan!” “Maganda ba? Parang ang simple nga masyado, e. Iyan kasi yung napagkasunduang kulay ng dalawa kong kuya. Rose quarts at Serenity daw tawag d'yan, e.” Kwento ko pa sa kanya. Para kasing masyado siyang na-a-amazed sa pintura ng room ko. Naalala ko pa noong unang beses kong makita itong kwarto, noon pa lang, I felt special na. At mas lalo pa akong naging masaya nang malaman ko na ang mga kapatid ko ang mismong nag-ayos ng magiging kwarto ko. Mas naramdaman ko kasi na they are just as excited as me. “Si Jagi- I mean, si Henry-oppa ba talaga ang pumili ng kulay na 'to?” “Collaboration sila ni Kuya Grayson. Marinig ka 'non, magtatampo na naman iyon. Sabihin kinalimutan yung effort niya.” “Ay, ganoon? May ganoong ugali pala si Grayson, matatampuhin.” sagot naman niya bago maupo sa gilid kama ko. “Si Henry ba? How was he as a brother?” “Uhm… mahirap i-explain, e. Siya yung medyo strict and matured while si Kuya Grayson naman yung soft and sweet.” “Ahh,” sagot ni Chanyoung habang nakangiti. “Umpisahan na natin? Anong uunahin nating subject?” “Literature.” Inabot ko sa kanya ang libro ko sa Literature at nakangiting naupo sa tabi niya. Nakapangalumbaba pa akong tumingin sa kanya. “Alam mo Chanyoung, I like you.” “Ha? Ano 'yan? Bebe, hindi tayo talo, okay?” aniya at medyo lumayo pa sa akin kaya natawa ako. “Exclusively for Henry itong puso ko.” “Sira! Hindi naman 'yon yung ibig kong sabihin. What I mean is, I like you as a person. And I think I like you for my brother.” “Yieeeh, weg ke nemeng genyen. Kenekeleg telege eke,” aniya at gumulong pa sa ibabaw ng bed ko. “Ikaw, ha? Binobola mo ako!” “Walang halong pambobola! Thank you nga pala, ha?” “Para saan?” Kinuha ko muna ang isang notebook at ballpen bago sumagot sa tanong niya, "For treating me as a friend. You just met me today pero pumayag ka pa rin na tulungan ako sa mga lessons natin. Sa iba 'yan, they will say na feeling close ako or baka ma-weirduhan pa sila sa akin. Hehe.” “Sus! Ito naman, parang others!” sagot niya at saka ngumiti sa akin. "Hindi ka naman kasi mahirap kaibiganin. You were very approachable nung nilapitan ka ni Minsuel kanina at masarap ka din kasama at kausap. Alam mo, feeling ko isa ka sa pinaka-genuine na tao na nakilala ko, Jihyoung.” “I'm glad that you think of me that way, Jeongmal Kamsahamnida.” Yumuko pa ako sa kanya bago muling ngumiti na tinugon din naman niya ng matamis na ngiti. "Oo nga pala, sabi nila ate Jihan matagal mo na daw crush si kuya Henry. Totoo ba 'yon?" "H-ha?" Gulat niyang tanong. Parang nahihiya pa siya eh alam ko naman na yung totoo. "Uhm... Oo. Freshmen year pa lang, talagang nagustuhan ko na sya. Iba kasi e. Ewan ko, dati naman na akong nagkakaroon ng mga crush pero mula nang makita ko si Henry, wala na, finish na. Happy na ako kahit mapanuod ko lang sya na sumayaw o kaya kahit onting sulyap lang." Bakas sa mata niya ang sincerity sa bawat salita na binibigkas nya. Kulang na lang maghugis bituin ang mga mata niya habang nagkukwento siya kaya napangiti ako. Feeling ko kasi, hindi na lang basta crush itong nararamdaman niya. "Actually, lahat naman sila magaling. Yung grupo nila? Pambato natin sa contests 'yon. Pero angat talaga sa puso ko si Henry Oppa." "Anong grupo?" tanong ko. "Yep. Grupo. As in yung Dance Troupe. All boys sila 'don. Naalala mo yung kasama ng mga kuya mo kanina during dissmisal? Sila 'yon." "Ahh... so pati sila David at Thomas?" Tanong ko na tinanguan naman niya. "Oo. Kaya pansin mo, hindi naman sila magkakapareho ng year level pero sila sila din ang magkakabarkada." "I see. Ang dami nga nila, e. Yung iba sa kanila na-meet ko kanina sa teacher's office. Sinilip nila kung totoo daw na may kapatid sila kuya na babae." "Oy bebe, hindi pa ako nakaka-get over sa balita na yan. Imagine, may hindi pa pala ako alam tungkol sa future mapapangasawa ko? Ay harot. I claim it na po, Lord." "Sira! Pero sige, you have my blessings." "Ay shems, kinilig ako!" Aniya at gumulong pa sa ibabaw ng kama ko. “Hay nako! We better start na. For sure mayamaya may manggugulo na sa atin.” “Huh?” Kunot-noo niyang tanong kaya napailing ako. “Later, you'll see.” sagot ko habang naka-abang sa pintuan ng kwarto ko. Wala pang sampung segundo nang bigla iyong bumukas at niluwa ang dalawa kong mga kuya na tila pagod na pagod pang nag-dive sa gilid ng kama ko, dahilan para umuga kaming lahat. “Bakit ba nandito na naman kayo?” Nakanguso kong tanong. “Ang hina ng wifi sa kwarto ko,” sagot ni Kuya Henry. Ngumiti pa siya sa akin kaya nagmukha na naman siyang hamster. “Ang init sa kwarto ko. Pinapalamig ko pa,” ani Kuya Grayson at saka nag-umpisang mag-selfie. Nagkatinginan kami ni Chanyoung. “Ganyan talaga sila, mahilig silang mang-invade ng kwarto nang may kwarto.” Paliwanag ko bago batuhin ng unan yung dalawa. "Mahiya naman kayo, may bisita ako!" Pabiro kong sita sa kanila pero tiningnan lang nila ako bago bumalik sa mga ginagawa nila. “Dito ka ba matutulog, Chanyoung?” tanong ni oeraboni directly kay Chanyoung. Take note, ha? First name basis pa! “Ha? Nako, hindi pwede. Baka makagalitan ako.” Mabilis na sagot ni Chanyoung kaya binitiwan ko ang hawak kong libro at lumingkis sa braso niya. “Bebe, can you sleep here na lang? Please?” Nag-beautiful eyes pa ako pero natatawa lang siyang umiling. “Next time na lang, bebe. Hindi rin kasi ako nakapag-paalam nang maayos kila mama. Baka mabungangaan ako nang bongga.” Paliwanag niya kaya nakanguso akong tumango. “Saan ka ba nahihirapan? Para naman may maumpisahan na tayo.” aniya habang nagpipigil ng kilig. Harot. "Nadi-distract ako sa kuya mo, ang bango, e." Mahina niyang bulong sa akin kaya natawa ako nang malakas dahilan para mapalingon sa amin sila kuya. "Uy! Wag ka maingay!" Namumulang saway sa akin ni Chanyoung. "Hehe. Na-excite lang sya sa lesson." Paliwanag pa nya kahit wala namang dapat i-explain. "Bilisan nyo na sa pag-aaral. Mamaya lang tatawag na si mommy para sa hapunan." Ani Kuya Grayson. "Kakatapos lang natin kumain, a?" Nagtatakang tanong ni Chanyoung. "Ganoon kasi si mommy, lalo na nang umuwi itong si Jihyoung. Masyadong abala sa kusina para ipagluto ang kanyang unica ija. Kaya tumataba, e." Pang-aasar sa akin ni Kuya Henry kaya binato binato ko siya ng isang stuffed toy na nadampot ko. "Wow, ha? Hiyang hiya yung fats d'yan sa pisngi mo, kuya." Ganti kong asar pero tinawanan nya lang ako, mas lalo tuloy na defined yung pagiging singkit niya. "Bebe, mataba ba ako?" Baling ko kay Chanyoung na biglang napakamot sa ulo. "Huwag mo na sagutin. Pagbubuhulin ko pa kayo ni kuya, e." Nakanguso kong sagot bago ibalik ang tingin sa libro ko. "Hindi mataba si Jihyoung, malusog lang." Pagtatanggol sa akin ni Kuya Grayson kaya ngumiti ako at ready na syang yakapin pero kaagad nawala ang ngiti ko sa sunod niyang sinabi, "Isipin nyo, sa panahon ng tag-gutom, patay na tayong lahat si Jihyoung nangangayayat pa lang." "Yaaah! Kuya naman, e!" Sigaw ko bago tumayo at hilahin silang dalawa palabas ng kwarto ko. "Lumayas kayo dito sa kwarto ko. Istorbo kayo. Bleeeh!" Parang bata ko pa silang dinilaan bago isara at i-lock ang pintuan ng kwarto ko. "Ang kukulit pala ng mga kuya mo," nakangiting wika ni Chanyoung. "Kinilig ka na naman kay kuya." Pang-aasar ko. "Ito, seryoso na. Magstart na tayo." Umayos na ako ulit ng upo at nag-umpisa nang magtanong sa kanya ng mga lesson na medyo nagpapagulo sa utak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD